Tuesday, May 08, 2012

lovelyf...



Noon, nakilala kitang super bait. Naalala ko pa noon.. ah basta, nakakatuwang pagkakilala. Nakakatuwa at nakakatawa ang ating naging simula. Isang mahabang biyahe sa jeep na nauwi sa lovelyf.


Pero, ang lovely na sinasabi ko, hindi maganda or smooth.Lovelyf na masalimuot. You love me and I love you pero nananaig pa rin ang kunsensya sa puso natin.

Dear Readers, don’t get me wrong. Si lovelyf kasi noon ay may gf na,bago pa kami nagkakilala. He is engaged to be married.And I am certified single.Isang engaged man at single woman na nagkatagpo sa iisang wrong timing na sitwasyon.

Kausapin ko muna siya sa pamamagitan nito, Dear Readers, let me pour out my heart thru this.

Para sa’yo lovelyf, natandaan ko pa noon, sinikap nating maging tayo. Nilihim natin ang lahat dahil ako na rin ang humiling nito. Ayokong masaktan ang babaing dapat mo nang pakasalan. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng lalaki sa Earth, Ikaw pa ang nakilala ko at minahal. Isang lalaking pag-aari na ng iba or I may say, malapit nang maging pag-aari ng iba.

Marami tayong things in common. Naging Masaya ka sa piling ko, ganun din ako. Naging Masaya tayong nangarap ng buhay na magkasama. Isang buhay na punum-puno ng pag-asa. Pero lahat iyon ay naglaho. Naglahong parang bula. Dahil naduwag ka. Natakot. Naguluhan. Ang daya mo.

Mandaraya ka lovelyf. Naiwan ako sa ere. Sabi mo aayusin mo muna ang lahat, at babalik ka. Pero hindi na ako umasa. Pinilit mong bumalik pero ayoko na. Bakit ko pa tatangapin ang lalaking nagpatali na sa iba?Na dapat ako ang nagdala ng apelyido mo at hindi siya.

Natakot ka sa banta niya? Natakot ka sa sumbat ng iba?

Pero tapos na iyon. Mahabang taon na rin ang lumipas. Numero ni Hudas na nga ang binilang, at muli tayong nagkatagpo. Natuwa ako kasi buhay ka pa pala. Pero in fairness, pumogi ka.

Naikwento mong hiwalay na kayo. Gusto kong malungkot, pero natuwa ako. Kasalanan mang makaramdam ng ganun, natuwa ako kasi, naranasan mo ang naranasan ko.

Hindi ka naging Masaya? Hangang ngayon sinungaling ka. Kita naman sa mga pictures mo sa Facebook, ang saya-saya mo. By the way, salamat sa effort, hinanap mo ako sa facebook, hangang magkita tayong muli nang personal.

Pero hindi lang ikaw ang madaya lovelyf. Madaya talaga ang pagkakataon. Kaya panindigan na lang nating maging madaya. Dayain na lang natin ang ating mga sarili.Isipin mo na lang, facebook friend lang ako. Hindi na ako ang dating lovelyf mo. Hindi na rin ikaw ang dating lovelyf ko.

Habang-buhay na lang nating kimkimin ang lovelyf natin. Lovelyf na nabuo noon, nawasak noon, pero kailanman ay hindi na magiging isang happy ending ngayon.

Bago ako magwakas, isa lang masasabi ko lovelyf: Mahal kita noon hanggang ngayon.



Dear Readers, sorry. Ini-express ko lang aking nararamdaman. Tao lang.

5 comments:

Arvin U. de la Peña said...

Una sa lahat mabuti na hindi kayo nagkatuluyan kasi may gf na siya at ikakasal na....ano na lang sabihin ng iba...okey lang ba sa iyo na pagsabihan kang mang aagaw....madami pang ibang lalaki....puwede tayo maging kaibigan,hehe...

Arvin U. de la Peña said...

ilalagay ko ang blog mo sa blog list ko....add mo rin ang blog ko sa list mo........ano ang facebook account mo...email mo sa akin arvin9595@yahoo.com

mercy said...

Hi Arvin..salamat:) yes pls add me mercyferriols@gmail.com

Chyng said...

aaww, it's not you, it's not him. it's purely a mismatch.

and love is still a good experience. be it good or bad. good luck sa next lovlyf! ♥

mercy said...

hi Chyng!Thanks for dropping by,yes tagal na happened yan hehehe!God bless u Gurl!

There was an error in this gadget