Tuesday, January 15, 2013

Eksena


Many times, wala lang. Nag-eemote nang wala lang. Pero sa totoo lang, pwede bang wala lang kung walang pinaghuhugutan?
Isang eksena :
Nakaranas na ba kayo nang masaktan? ‘yun bang tipong pinaglaban mo ang pagmamahal mo sa isang tao, minahal mo siya, nakasakit ka na ng iba dahil sa kanya, pero pagkatapos… isang araw na magkasama kayo, biglang tumunog ang cp niya ,tinanong mo siya kung kanino ang tawag na ‘di niya sinasagot.Ang sabi niya wala lang. ‘Di ka nakuntento, nakita mo , name ng isang  babae ang caller. Nakita mong namutla siya, nataranta at natakot.Na hanggang ngayon, hindi pa rin niya sinasabi ang totoo. May peace of mind ka kaya?

Isa pang eksena:
Nakaranas na ba kayo na napaka buo ng pagmamahal mo sa isang tao na akala mo kilala mo na siya, pero hindi pala? Naka receive ka ng message sa Friendster (ipagpalagay nating ‘di pa uso FB) mula sa misis /asawa niya?

Eksena pa:
Nag-open ka ng MSN mo. May nag message na isang girl. Claiming na GF siya ng BF mo. Nag-usap kayo. Tugmang –tugma. Tamang –tama. Lahat pala ng international text message mula sa BF mo na nasa kabilang bahagi ng mundo , ay SENT TO ALL ? Imagine mo na lang gaano kasakit ang eksana number 3.

May maidadagdag ka bang eksena? Ilan lang yan sa alam ko at nakalap na eksena.Mahabang mga istorya. Mahirap na proseso nang pag –move on.

Pero isang bagay lang ang katapat ng bawat eksenang ‘yan. Tangapin, iiyak, at mag-cheer-up.Anyway bawat eksena naman ng buhay ay sadyang may pasakit. Maari namang mabago ang bawat script. Be a writer of your own telenovela. Gawin mong ikaw palagi ang bida.

There was an error in this gadget