Eksena
Many times, wala lang. Nag-eemote nang wala lang. Pero sa
totoo lang, pwede bang wala lang kung walang pinaghuhugutan?
Isang eksena :
Nakaranas na ba kayo nang masaktan? ‘yun bang tipong
pinaglaban mo ang pagmamahal mo sa isang tao, minahal mo siya, nakasakit ka na
ng iba dahil sa kanya, pero pagkatapos… isang araw na magkasama kayo, biglang
tumunog ang cp niya ,tinanong mo siya kung kanino ang tawag na ‘di niya
sinasagot.Ang sabi niya wala lang. ‘Di ka nakuntento, nakita mo , name ng isang babae ang caller. Nakita mong namutla siya,
nataranta at natakot.Na hanggang ngayon, hindi pa rin niya sinasabi ang totoo.
May peace of mind ka kaya?
Isa pang eksena:
Nakaranas na ba kayo na napaka buo ng pagmamahal mo sa isang
tao na akala mo kilala mo na siya, pero hindi pala? Naka receive ka ng message
sa Friendster (ipagpalagay nating ‘di pa uso FB) mula sa misis /asawa niya?
Eksena pa:
Nag-open ka ng MSN mo. May nag message na isang girl.
Claiming na GF siya ng BF mo. Nag-usap kayo. Tugmang –tugma. Tamang –tama.
Lahat pala ng international text message mula sa BF mo na nasa kabilang bahagi
ng mundo , ay SENT TO ALL ? Imagine mo na lang gaano kasakit ang eksana number
3.
May maidadagdag ka bang eksena? Ilan lang yan sa alam ko at
nakalap na eksena.Mahabang mga istorya. Mahirap na proseso nang pag –move on.
Pero isang bagay lang ang katapat ng bawat eksenang ‘yan.
Tangapin, iiyak, at mag-cheer-up.Anyway bawat eksena naman ng buhay ay sadyang
may pasakit. Maari namang mabago ang bawat script. Be a writer of your own
telenovela. Gawin mong ikaw palagi ang bida.
Comments
blog loading? I'm trying to determine if its a problem on my
end or if it's the blog. Any feedback would be greatly appreciated.
Here is my site: fifa world cup 2014