LIHAM sa aking First Love
Mahal Kong First love, Nagmumuni-muni ako ngayon, inaalala ko ang panahong nakilala kita.Mga Panahong nasa gitna ako ng paghahanap ng kahulugan sa buhay ko. Mga panahong tila mapupuno ng ‘question mark” ang isipan ko. Mga panahong tumawa man ako ay ‘di naman talaga ako natutuwa. Mga panahong akala ko ang ‘paghanga ay pag-ibig. Mga panahong ang pagsang-ayon ko sa mga bagay-bagay ay labag sa aking kalooban. Mga panahong marami akong alam ngunit nagugulumihanan. Mga panahong kahit nakapikit ako’y nakikita ko ang ikot ng mundo, maingay, mabilis at magulo. Mga panahong ang salitang pahinga’y katumbas ng kapaguran sa akin, dahil ako’y totoong pagod nang tumahak sa masalimuot na mundong ito.Magkwentuhan tayo. Hayaan mong balikan ko sa pamamagitan ng liham na ito ang ating kwento. J...