Posts

Showing posts from June, 2012

Dual Sim Heartache

Image
Parang dual sim na cellphone ang sakit na nararamdaman ko. Kasing –sakit na parang dinaganan ng adobe ang puso ko, ‘yun bang parang nabibilaukan ako, para bagang may nakabarang something in between my throat and chest. Feeling ko, hindi na dumadaloy ang dugo sa buo kong katawan. Gusto kong manatiling nakahiga na lang. Hindi makaiyak. Hindi makahikbi, nakabara nga eh, stagnant.

Maghapon kong hinintay ang tawag niya. Kahit ang text message na may salitang “Kumusta ka na?”Nakakamiss sobra.Pero sa kabilang banda, mainam na rin na hindi ko siya marinig. Hindi ko na siya maramdaman mula sa aking dual sim. Ito ang tama.Ito ang dinidikta ng aking isip.Siya ang pangalawang sim.

Mahal ko ba siya? O hype lang? Muli, siya si pangalawang sim.

Dual sim na sakit ng feelings. Hindi ko ma explain.Nang dahil sa aking kapalaluan, nawala ang taong mahalaga pala sa akin. Isang taong lubos kong nasaktan dahil sa aking walang kwentang standard. Hinanapan ko siya ng kamalian. Tiningnan ko ang kanyang kah…