Dual Sim Heartache



Parang dual sim na cellphone ang sakit na nararamdaman ko. Kasing –sakit na parang dinaganan ng adobe ang puso ko, ‘yun bang parang nabibilaukan ako, para bagang may nakabarang something in between my throat and chest. Feeling ko, hindi na dumadaloy ang dugo sa buo kong katawan. Gusto kong manatiling nakahiga na lang. Hindi makaiyak. Hindi makahikbi, nakabara nga eh, stagnant.

Maghapon kong hinintay ang tawag niya. Kahit ang text message na may salitang “Kumusta ka na?”Nakakamiss sobra.Pero sa kabilang banda, mainam na rin na hindi ko siya marinig. Hindi ko na siya maramdaman mula sa aking dual sim. Ito ang tama.Ito ang dinidikta ng aking isip.Siya ang pangalawang sim.

Mahal ko ba siya? O hype lang? Muli, siya si pangalawang sim.

Dual sim na sakit ng feelings. Hindi ko ma explain.Nang dahil sa aking kapalaluan, nawala ang taong mahalaga pala sa akin. Isang taong lubos kong nasaktan dahil sa aking walang kwentang standard. Hinanapan ko siya ng kamalian. Tiningnan ko ang kanyang kahinaan. Inabuso ko ang kanyang kabaitan. Hindi ko tiningnan ang kanyang kabutihan at ang kagandahan ng kanyang pagkatao.

Ngayon… nagsisisi ako. Ito ang consequence ng kasalanan ko. Niloko ko siya ng mahabang panahon. Kung kailan nais ko nang magbago, saka niya ako nabuking. Saka pa lang niya nalaman ang lahat. Ang sakit. Ang sakit sakit.Iyan ang naunang sim.

Pangalawang sim… alam kong nasasaktan ko siya sa aking mga pananalita at pagdududa. Minahal ko ba siyang talaga? O mahal niya ba akong talaga? Walang kasiguruhan. Pero naging Masaya ako. Na excite ako. Binigyan niya ng spice ang buhay ko. Pero nasaan na siya ngayon? Wala. Hindi na nagparamdam.Hindi ko alam ang dahilan.

Ang hirap. Habang tinitipa ko ito, gusto ko nang umiyak. Pero di ko magawa. Gusto kong humiyaw, pero wala akong tinig.

No more dual sim. No more dual sim from now on.

Comments

one sim na lang,hehe..kumusta..
Unknown said…
Hi Arvin,,thanks,,Im fine

Popular posts from this blog

Eksena

AMAYA

Loser Ka Ba?