Posts

Showing posts from April, 2012

Mahilig ako sa Unli Call and Text

Palagi na lang bitin ang load. Dangan kasi, panay pa unli. Pa all text. Di pala ako nakakatipid. Nasasayang lang ang Twenty Pesos ko. Sakit pa daliri ko sa kakapindot ng matigas kong keypad. Walang magawa, napadako sa aking sariling blogs na walang tiyak na isusulat. Walang topic na nasa isip. Let this fingers type the words. Utak at puso ko naman ang nagdidikta, kung ano ang titipahin hindi ba? Sa simula't simula pa, ganito na ako. Biglaang tatahimik, mag-iisip ng mga bagay-bagay, sabay haharap sa computer. Habang kaharap si bestfriend PC, naba- blanko... nahihinto... OMG! wala na akong masabi. Wala naman talaga akong sasabihin. Balik tayo sa Unli text. Sarap magtext nang unli, lalo pa kung importanteng tao ang katext mo. 'yun bang special siya sa'yo. Graduate na 'ko 'dyan, di na ko bata. I mean, wala na ko sa stage nang ganyan. Yun bang may kilig factors pa 'ika nga. Importante sa akin ang Unli. Lalo pa kapag malungkot ako at nahihirapan. Nasasaktan. I

Jefferdon

Sa maliit mong katawan, Na una kong nahaplos, Tila isang manyikang ubod ng cute. Ang iyong iyak ay parang love song, Umaalingawngaw sa aking pandinig, Hikbi ng pagmamahal at pag-asa Na sa iyo ay may bukas. Ang iyong pagdating Ay isang aliwalas ng aking life. Binigyan mo ng watercolor ang dark shade nitong kulay. Sa iyong paglaki,nakita ko ang aking genes Totoong napakapalad mo ‘at Ako ay nakamukha mo. Salamat sa iyo anak, Sa pagbibigay mo ng pag-asa, At ako ay mahal ng Diyos Sa napaka guwapong biyaya. Marami na akong nahabing mga tula, Ngunit ang iba’y naiwaglit ko na, Huwag mag-alala , Sapagkat dito naman sa puso ko, Walang hanggang tula ng pagmamahal, Ang kayang ibigay ng iyong magandang nanay.

Ikaw, Ano ang Kuwento mo?

Naalala ko pa noon bata pa ako, mahilig ako sa mga kuwento. Iyon bang mga kuwentong kapag bata ang nakinig ay aakalaing totoo. Kahit ‘yun pala’y kathang isip lang ng mga nanay at tatay, lolo at lola, mga gumagawa ng kwentong patama sa’yo. Mga imbento , katulad nang istorya ng isang batang ayaw magpa-kuto. Kinuha ng isang malaki at dambuhalang kuto at inilipad.Dahil yun sa dami ng kuto sa buhok. At ang batang yun ay hindi na ibinalik kailanman ng dambuhalang kuto. Pero naisip ko noon, kinakaya  kaya ng sandamakmak na kuto na ilipad ang isang bata? Payat man o mataba? Kaya sa takot kong kunin ng dambuhalang kuto noon, nagpapa-suyod na ako sa lola ko. Hiniksik nang hiniksik.Kahit nakakairita na, kinaya at tiniis ko ang lahat ng sakit ng anit ko. Kwentong maligno ba kanyo? Hay naku, dami ko nang narinig niyan. Sabi nga sa waray, mga “panulay”. Yung mga di nakikitang nilalang na kumukuha ng mga mortal , lalo na ng mga dalagang makursunadahan. Dinadala sa ibang daigdig at ginagawang re