Ikaw, Ano ang Kuwento mo?
Naalala ko pa noon bata pa ako, mahilig ako sa mga kuwento. Iyon bang mga kuwentong kapag bata ang nakinig ay aakalaing totoo. Kahit ‘yun pala’y kathang isip lang ng mga nanay at tatay, lolo at lola, mga gumagawa ng kwentong patama sa’yo.
Mga imbento , katulad nang istorya ng isang batang ayaw magpa-kuto. Kinuha ng isang malaki at dambuhalang kuto at inilipad.Dahil yun sa dami ng kuto sa buhok. At ang batang yun ay hindi na ibinalik kailanman ng dambuhalang kuto. Pero naisip ko noon, kinakaya kaya ng sandamakmak na kuto na ilipad ang isang bata? Payat man o mataba?
Mga imbento , katulad nang istorya ng isang batang ayaw magpa-kuto. Kinuha ng isang malaki at dambuhalang kuto at inilipad.Dahil yun sa dami ng kuto sa buhok. At ang batang yun ay hindi na ibinalik kailanman ng dambuhalang kuto. Pero naisip ko noon, kinakaya kaya ng sandamakmak na kuto na ilipad ang isang bata? Payat man o mataba?
Kaya sa takot kong kunin ng dambuhalang kuto noon, nagpapa-suyod na ako sa lola ko. Hiniksik nang hiniksik.Kahit nakakairita na, kinaya at tiniis ko ang lahat ng sakit ng anit ko.
Kwentong maligno ba kanyo? Hay naku, dami ko nang narinig niyan. Sabi nga sa waray, mga “panulay”. Yung mga di nakikitang nilalang na kumukuha ng mga mortal , lalo na ng mga dalagang makursunadahan. Dinadala sa ibang daigdig at ginagawang reyna. Parang sa Encantadia. Naisip at naitanong ko noon, ano kaya ang kanilang costume?
Hinuha ko kung ipinaganak ka ng dekada sitenta o otsenta, nakarinig ka na ng mga kwentong sa panahon natin ngayon ay di mo na carry pang ikuwento sa mga bata. Jologs at baka pagtawanan ka pa.Pero sa ganito masasalamin ang ating mayamang kultura. Mga kuwentong bahagi na ng ating Panitikan. Ito ay larawan din ng ating pagiging unique kumpara sa ibang lahi.
Favorite ko rin ang mga kwentong bayani. Hindi lang istorya ni Rizal at Bonifacio. Marami pang bayani ang di nagiging popular sa ala-ala ng mga tao. Nariyan si Tamblot. Si Bankaw.Andres Malong. Francisco Maniago at maraming iba pa. Sarap alalahanin at gawing inspirasyon ang kanilang tapang, talino at pagmamahal kay beloved Philippines.
Minsan naman, ayoko ng mga kuwentong totoo. Mga balitang napapanahon. Ayoko ng kwento ng aming kapit-bahay na sa sobrang mahal na ng galunggong ay chicharon na lang ang inulam nila sa hapunan. Ang ibang Pilipino naman ay animo nag-sa-sarangola sa kalangitan, upang manghuli ng paniki, may mailaman lang sa kumakalam na tiyan.
Saan at anong kagawaran ba ng pamahalaan nararapat sabihin ang kwentong ito? Dahil hindi ito alamat o kathang-isip lang katulad ng dambuhalang kuto. Hindi ito kasing-liit ng mga kulisap sa parang.
Maganda ang mga kwento. Iinog at iinog ang mundo, at sa bawat pag-inog nito, iba’t ibang kwento ang uusbong.
Katulad ng isang punum-punong silid –aklatan, ang buhay ay puno rin ng mga salitang maihahabi sa isang nakakalugod man o hinding kwento.
Ikaw, Ano ang Kwento mo?
Ito po ay aking lahok para sa 'Bagsik ng Panitik " contest ng Damuhan.
Comments
panalo ka na ate.
maraming salamat dito :)
gudluck po sa entry nyo!