Posts

Eksena

Many times, wala lang. Nag-eemote nang wala lang. Pero sa totoo lang, pwede bang wala lang kung walang pinaghuhugutan? Isang eksena : Nakaranas na ba kayo nang masaktan? ‘yun bang tipong pinaglaban mo ang pagmamahal mo sa isang tao, minahal mo siya, nakasakit ka na ng iba dahil sa kanya, pero pagkatapos… isang araw na magkasama kayo, biglang tumunog ang cp niya ,tinanong mo siya kung kanino ang tawag na ‘di niya sinasagot.Ang sabi niya wala lang. ‘Di ka nakuntento, nakita mo , name ng isang  babae ang caller. Nakita mong namutla siya, nataranta at natakot.Na hanggang ngayon, hindi pa rin niya sinasabi ang totoo. May peace of mind ka kaya? Isa pang eksena: Nakaranas na ba kayo na napaka buo ng pagmamahal mo sa isang tao na akala mo kilala mo na siya, pero hindi pala? Naka receive ka ng message sa Friendster (ipagpalagay nating ‘di pa uso FB) mula sa misis /asawa niya? Eksena pa: Nag-open ka ng MSN mo. May nag message na isang girl. Claiming na GF siya ng BF mo. Nag-us

MINSAN MAY ISANG GANID

Minsan may isang ganid , Walang inatupag kundi sarili, Walang pagsidlan ang tuwa, makamtan lamang inaasam. Ano ba ang inaasam niya? Pagmamahal na walang talos? Pagmamahal na pinid ? Pagmamahal na lubos? Isa siyang ganid, Ganid. Minabuti pang masira ang masasayang araw, Sa isang iglap… Naglaho nang tunay, Tunay… tunay na pagmamahal, Tunay na saya at ligaya. Minsan may isang ganid … Magdusa ka isang ganid. Tipahin mo ang kamatayan ng iyong puso…. Umiyak ka man ng dugo.. HINDI na  maibabalik ang mga naglaho….

I WISH I HAD..

Image
I wish I had the courage to tell, The very inside my heart. I wish I had the courage to give, Love that I can freely give. I wish that I am matured enough, To face and resist the devil, I wish I am ENOUGH To live right. I wish I have not forgotten, The seed of good in my heart, I wish I never did, The things that made U hurt. I Wish that I may be an another person, From different dimension. I wish I lived faraway, Not to face the truth, I wish I am a dog, To run fast as I can, when get hurt. I wish I am an eagle, To spread my wings wider, To fly higher... I wish I am a mermaid, to swim all the time, As the water mixed with my tears. I wish that I can turn back the time, When we are happier, I wish I had the heart, To love. To understand. To trust. To deal with. To give. To sacrifice. To touch. I wish I am what I want to be… I wish things will change. I wish...Oh I wish…. I wish everything will change... I wish things remain.

Dual Sim Heartache

Image
Parang dual sim na cellphone ang sakit na nararamdaman ko. Kasing –sakit na parang dinaganan ng adobe ang puso ko, ‘yun bang parang nabibilaukan ako, para bagang may nakabarang something in between my throat and chest. Feeling ko, hindi na dumadaloy ang dugo sa buo kong katawan. Gusto kong manatiling nakahiga na lang. Hindi makaiyak. Hindi makahikbi, nakabara nga eh, stagnant. Maghapon kong hinintay ang tawag niya. Kahit ang text message na may salitang “Kumusta ka na?”Nakakamiss sobra.Pero sa kabilang banda, mainam na rin na hindi ko siya marinig. Hindi ko na siya maramdaman mula sa aking dual sim. Ito ang tama.Ito ang dinidikta ng aking isip.Siya ang pangalawang sim. Mahal ko ba siya? O hype lang? Muli, siya si pangalawang sim. Dual sim na sakit ng feelings. Hindi ko ma explain.Nang dahil sa aking kapalaluan, nawala ang taong mahalaga pala sa akin. Isang taong lubos kong nasaktan dahil sa aking walang kwentang standard. Hinanapan ko siya ng kamalian. Tiningnan ko ang kanyang

Superman

Image
Guwapo, matalino. ‘Yan si Superman. Matangkad. Matikas. ‘yan si Superman. Mabait , ‘gentleman, ‘yan si Superman. Lumilipad, nagtatanggol. ‘yan si Superman. Nakakaibig, nakakabighani. ‘yan si Superman. Sa kanyang mga mata kita ko ang lambing, Pagmamahal na walang kahambing, Samyo ng hininga’y animoy “fried chicken”. Sarap lasap-lasapin, parang McDO na uulit-ulitin. ‘Yan si Superman, walang kaparis, Palagiang  aasaming Makita at ibigin.

Ugat

Ugat ng nakaraang pilit winawaksi nitong isipan, Ngunit anuman ang gawin, Pilit pa ring nanunumbalik, Pait ng kahapong nagpatangis. Sakit ng kalooban nang pabayaan, Sa kamay ng mga taong walang pakundangan, Sa batang katawan, batbat na ang hirap, Yayat na katawan pilit inuuunat Kasabay ng pagod na isipa’t  Damdamin, Nagpapatatag  ay pag-asang muling  masilayan, Maynilang sinilangan. Ayaw nang lingunin pangit na naranasan, Paghihirap, pang-aapi ..ni ayaw nang maalala, ni guni-guni. Ngunit salamat sa Poong Maykapal, Sa karanasang tatlong taong walang huntay, Inialis sa lugar na tila may  sumpa’y binigay. Anuman ang gawin, di pa rin maiaalis, Kalahati ng puso ko ay naiwan Sa lugar na inayawan. Kung ako man ay babalik, Di para maghimagsik, Kundi balikan ang katiting na ala-ala, Kakaunting mga taong nagmahal At mga taong nagbigay ng pag-asa at pangaral. Sa mga kakaunting taong iyo’y salamat. Maraming maraming salamat.

Loser Ka Ba?

Image
Being a loser doesn’t only mean na you lose or you are not succeeded sa mga ginagawa mo. Lahat naman di natin keri. We are not perfect. But a loser’s definition para sa akin ay ang mga taong patuloy nilang ini-a-allow ang kaaway ng Diyos na agawin at was akin ang mga magagandang bagay na ipinagkaloob ni Lord sa kanila. Nawawala ang kanilang potential upang maging isang great sa mata ng Diyos. Inisa-isa ko ang ilang palatandaan ng isang pagiging isang loser o talunan. Ito rin ang mga bagay na ginawa kong eksamin sa aking sarili.m Loser ba ako o hindi? Loser ka kung ikaw ay: - May Paulit-ulit na miserable misfortunes. Sabi nga anuman ang mangyari sa life natin o bunga nito, makikita mo kung anong klaseng puno ng pagkatao ka meron - Life na puro trouble and chaos. Puro kaguluhan at away ang alam. Mga taong palagi na lang may masamang balak sa kapwa, kunwaring mabuti pero may bad intentions pala sa kabila ng kabutihan. - May broken relationship sa pa