Ugat
Ugat ng nakaraang pilit winawaksi nitong isipan,
Ngunit anuman ang gawin,
Pilit pa ring nanunumbalik,
Pait ng kahapong nagpatangis.
Sakit ng kalooban nang pabayaan,
Sa kamay ng mga taong walang pakundangan,
Sa batang katawan, batbat na ang hirap,
Yayat na katawan pilit inuuunat
Kasabay ng pagod na isipa’t Damdamin,
Nagpapatatag ay pag-asang muling masilayan,
Maynilang sinilangan.
Ayaw nang lingunin pangit na naranasan,
Paghihirap, pang-aapi ..ni ayaw nang maalala, ni guni-guni.
Ngunit salamat sa Poong Maykapal,
Sa karanasang tatlong taong walang huntay,
Inialis sa lugar na tila may sumpa’y binigay.
Anuman ang gawin, di pa rin maiaalis,
Kalahati ng puso ko ay naiwan
Sa lugar na inayawan.
Kung ako man ay babalik,
Di para maghimagsik,
Kundi balikan ang katiting na ala-ala,
Kakaunting mga taong nagmahal
At mga taong nagbigay ng pag-asa at pangaral.
Sa mga kakaunting taong iyo’y salamat.
Maraming maraming salamat.
Comments