Intsik at Pinoy



Dami ko nakakasalamuhang Instsik. Sa workplace lang, dami na. Una, kasi Fil-Chinese ang mga bossing ko, naman kasi’y 90 percent yata (?) ng mga empoyer sa Pilipinas ay Instik. Pangalawa, lumaki ako sa Tundo. Bago pa nauso ang mga dayo sa coastal area ng Maynila, na pawang mga Bisaya, puro intsik na ang mga naninirahan. Karamihan mga kapit-bahay pa namin. Lumaon, napunta na sila sa Binondo. Umalis ng Tundo.

Sa trabaho , lalo na sa Industriyang kinabibilangan ko, pawang mga Instik pa rin ang may ‘ say ‘ sa mga decision makings etc… Sila kasi ang mga superiors at mga boss.
Hango sa Google Images 


Hindi ako galit sa kanila. Gusto ko lang silang isulat. Napapanahon kasi ang kanilang lahi. Lahing gustong umangkin sa ating Scarborough Shoal . Pero sila rin ang lahing hinahangaan ko ng kaunti, dahil sa kanilang kasipagan at determinasyon sa buhay. Hindi lahat ng Instik ay mabait. Hindi rin naman lahat ng Pinoy ay mabait. Kaibahan lang, ang Pinoy ay Pinoy.Sandamukal man ang problema, nakatawa pa rin. Sandamukal man ang gusot sa buhay, nagagawa pa ring makipag-kapwa tao ng mahusay.

Ang mga Instik ay matatalino. Sila ang mga nakikita kong mga parang kabuteng nagsusulputan sa Divisoria. Sila ang mga may-ari ng mga tindahan sa mga pangunahing pamilihan dito. Kung hindi ba naman sila matalino sa diskarte, makakapanatili ba sila sa beloved Philippines ko? Kung hindi sila matalino, madali ba nilang matututunan ang mga salitang “mura na yan te”, bili na te, “at ano hanap mo te? “ Take note, they are trying their best to learn our language, kahit mas lamang ang katinig na “L” sa bawat salita.

I thanked the Chinese people here. They gave employment. Maging Chinese Local or foreign. Ang mga local ay yung mga dito na isinilang. Ang foreign, ay ang mga dayong hindi ko alam paano nakapasok at nakapag-negosyo sa Pilipinas. Illegal man o legal na pamamaraan, kunsensya na nila ‘yan.

Ang kaibahan lang, ang mga Pinoy, dumayo man sa ibang lunan, they are still the Pinoys who are humble. Pinoys serves as the servants. Umangat man ang buhay sa ibang bansa, hindi sila mga nag aastang siga.

Ang buhay ay isang biyayang dapat nating bigyan ng kabuluhan. Ang pagiging Pinoy ay biyaya. Ang pagiging Pilipino sa dugo at isip ay natatangi. Ang kulay kayumanggi ay hindi kahulugan ng kababaan. Ang pagiging Pinoy ay katumbas ng pagiging patas, malakas, matayog at lumalaban kung kinakailangan.

Ang mga instik ay kaibigan natin. Marami pa ring mababait. May mga marunong din naman makipag-kapwa tao.Look at them, not look up to them. Imitate their ideas. Imitate how they are doing to make their life bountiful.

Many times, nangangarap akong one day, Filipino people will rise. Pinoys will make it to the top. Hindi tayo dapat servant ng mga dayuhan sa ating sariling bayan. Atin ito. Hindi kanila.


Ang mga naglalakihang building sa Divisoria ay dapat na Pinoy ang nakatira. Pero hindi natin afford kahit nga sa murang upa ng entreswelo , hindi kaya. Condominium pa? Pero bakit Pinoy ang mga nakatira sa Baseco? Sa Parola? Sa Isla Puting Bato? Bakit na-ta-typecast tayong talunan,dayo, alila, tindera, kargador na sinisigaw –sigawan lang?

Instik at Pinoy….

hango sa google images



Ayoko nang pahabain pa. Ma-Hb (high-blood)lang ako kapag pinahaba ko pa. Let us make peace not war.

hango sa google images 

















Comments

Unknown said…
would you help me to increas my blog rank.
just visit to my blog and read the post and make a backlink
http://inifikiranku.blogspot.com i'm very glad if you follow my blog

Popular posts from this blog

Eksena

AMAYA

Loser Ka Ba?