Posts

Showing posts from May, 2012

Superman

Image
Guwapo, matalino. ‘Yan si Superman. Matangkad. Matikas. ‘yan si Superman. Mabait , ‘gentleman, ‘yan si Superman. Lumilipad, nagtatanggol. ‘yan si Superman. Nakakaibig, nakakabighani. ‘yan si Superman. Sa kanyang mga mata kita ko ang lambing, Pagmamahal na walang kahambing, Samyo ng hininga’y animoy “fried chicken”. Sarap lasap-lasapin, parang McDO na uulit-ulitin. ‘Yan si Superman, walang kaparis, Palagiang  aasaming Makita at ibigin.

Ugat

Ugat ng nakaraang pilit winawaksi nitong isipan, Ngunit anuman ang gawin, Pilit pa ring nanunumbalik, Pait ng kahapong nagpatangis. Sakit ng kalooban nang pabayaan, Sa kamay ng mga taong walang pakundangan, Sa batang katawan, batbat na ang hirap, Yayat na katawan pilit inuuunat Kasabay ng pagod na isipa’t  Damdamin, Nagpapatatag  ay pag-asang muling  masilayan, Maynilang sinilangan. Ayaw nang lingunin pangit na naranasan, Paghihirap, pang-aapi ..ni ayaw nang maalala, ni guni-guni. Ngunit salamat sa Poong Maykapal, Sa karanasang tatlong taong walang huntay, Inialis sa lugar na tila may  sumpa’y binigay. Anuman ang gawin, di pa rin maiaalis, Kalahati ng puso ko ay naiwan Sa lugar na inayawan. Kung ako man ay babalik, Di para maghimagsik, Kundi balikan ang katiting na ala-ala, Kakaunting mga taong nagmahal At mga taong nagbigay ng pag-asa at pangaral. Sa mga kakaunting taong iyo’y salamat. Maraming maraming salamat.

Loser Ka Ba?

Image
Being a loser doesn’t only mean na you lose or you are not succeeded sa mga ginagawa mo. Lahat naman di natin keri. We are not perfect. But a loser’s definition para sa akin ay ang mga taong patuloy nilang ini-a-allow ang kaaway ng Diyos na agawin at was akin ang mga magagandang bagay na ipinagkaloob ni Lord sa kanila. Nawawala ang kanilang potential upang maging isang great sa mata ng Diyos. Inisa-isa ko ang ilang palatandaan ng isang pagiging isang loser o talunan. Ito rin ang mga bagay na ginawa kong eksamin sa aking sarili.m Loser ba ako o hindi? Loser ka kung ikaw ay: - May Paulit-ulit na miserable misfortunes. Sabi nga anuman ang mangyari sa life natin o bunga nito, makikita mo kung anong klaseng puno ng pagkatao ka meron - Life na puro trouble and chaos. Puro kaguluhan at away ang alam. Mga taong palagi na lang may masamang balak sa kapwa, kunwaring mabuti pero may bad intentions pala sa kabila ng kabutihan. - May broken relationship sa pa...

Intsik at Pinoy

Image
Dami ko nakakasalamuhang Instsik. Sa workplace lang, dami na. Una, kasi Fil-Chinese ang mga bossing ko, naman kasi’y 90 percent yata (?) ng mga empoyer sa Pilipinas ay Instik. Pangalawa, lumaki ako sa Tundo. Bago pa nauso ang mga dayo sa coastal area ng Maynila, na pawang mga Bisaya, puro intsik na ang mga naninirahan. Karamihan mga kapit-bahay pa namin. Lumaon, napunta na sila sa Binondo. Umalis ng Tundo. Sa trabaho , lalo na sa Industriyang kinabibilangan ko, pawang mga Instik pa rin ang may ‘ say ‘ sa mga decision makings etc… Sila kasi ang mga superiors at mga boss. Hango sa Google Images  Hindi ako galit sa kanila. Gusto ko lang silang isulat. Napapanahon kasi ang kanilang lahi. Lahing gustong umangkin sa ating Scarborough Shoal . Pero sila rin ang lahing hinahangaan ko ng kaunti, dahil sa kanilang kasipagan at determinasyon sa buhay. Hindi lahat ng Instik ay mabait. Hindi rin naman lahat ng Pinoy ay mabait. Kaibahan lang, ang Pinoy ay Pinoy.Sandamukal man ang prob...

Mothers' Day Special

Image
Mother’s day…Sarap namnamin, Isang araw na pagpupuri’t pagpupugay Sa mga dakilang babae ng ating buhay. Maraming taon ding ‘di ko naramdaman, Ang humalik sa inang nagsilang, Walang inang inalayan ng bulaklak na rosas, O isang greeting card ng pasasalamat. Maraming oras din ang nasayang, Ni hindi natikman.. lutong paboritong ulam, Ni hindi ko alam ang pakiramdam, Kung paano ba Hainan ng inang pinanggalingan. Maraming panahon, batbat ng kahungkagan, Maraming beses ding nakatunghay sa kawalan. Maraming gabi na kumot ang nagbibigay yakap, Maraming Mother’s day na walang inang binigyang pugay. Bagamat kabataan ma’y naging kulang, Kalungkutan nama’y napaparam, Batid kong kahit siya’y wala sa aking tabi, Sa puso niya’y ngalan ko ang nakahabi. Una , salamat sa Diyos na lumikha, Sapagkat ako ay KANYANG ipinagkatiwala, Na isilang ng isang babaeng dakila, Aking inang nagbigay buhay Isang inang nagbigay init ng kanyang pagmamahal. Pangalawa, Salamat sa aking Ina, Sa sakripisyong ibinigay m...

lovelyf...

Image
Noon, nakilala kitang super bait. Naalala ko pa noon.. ah basta, nakakatuwang pagkakilala. Nakakatuwa at nakakatawa ang ating naging simula. Isang mahabang biyahe sa jeep na nauwi sa lovelyf. Pero, ang lovely na sinasabi ko, hindi maganda or smooth.Lovelyf na masalimuot. You love me and I love you pero nananaig pa rin ang kunsensya sa puso natin. Dear Readers, don’t get me wrong. Si lovelyf kasi noon ay may gf na,bago pa kami nagkakilala. He is engaged to be married.And I am certified single.Isang engaged man at single woman na nagkatagpo sa iisang wrong timing na sitwasyon. Kausapin ko muna siya sa pamamagitan nito, Dear Readers, let me pour out my heart thru this. Para sa’yo lovelyf, natandaan ko pa noon, sinikap nating maging tayo. Nilihim natin ang lahat dahil ako na rin ang humiling nito. Ayokong masaktan ang babaing dapat mo nang pakasalan. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng lalaki sa Earth, Ikaw pa ang nakilala ko at minahal. Isang lalaking pag-aari na ng iba or I ma...