NO Jaywalking
Prrrrrrrrrrrrrrt… Prttttttttttttt! Tunog po ‘yan ng pito ng isang traffic enforcer. Patungkol sa akin yun hehehe! Akalain ko ba naman na ang tinatawiran ko na pala ay di pedestrian lane dahil nakatuon ang tingin ko sa isang shoe store sa tawid ng kalsada. Ang pedestrian lane ay ilang hakbang pa pala. OO nga naman, tumawid sa tamang tawiran. Pero wala akong nakitang karatulang ‘bawal tumawid , may namatay na dito”. Sa lugar na ito siguro ay no need na ng ganung nakakatakot na paalala, dahil sa bawat stop light at pedestrian lane ay may nakaabang nang traffic enforcer na nag ga-guide sa mga tao at sasakyan..In Order. Take note, in order. Napadpad ang aking mga paa sa Marikina. Isang makulimlim na tanghali ‘yun na never akong naasiwa o napagod maglakad , dahil kapag nasa Marikina ako, ‘di ako nakakaramdam ng bugnot hehehe! Hindi ba’t nakakabugnot maglakad sa isang lugar na masikip, matao , traffic at siksikan? Maingay at puno ng basura, vendors , tricycle, pedicab at ilang anik-anik.