NO Jaywalking

Prrrrrrrrrrrrrrt… Prttttttttttttt! Tunog po ‘yan ng pito ng isang traffic enforcer. Patungkol sa akin yun hehehe! Akalain ko ba naman na ang tinatawiran ko na pala ay di pedestrian lane dahil nakatuon ang tingin ko sa isang shoe store sa tawid ng kalsada. Ang pedestrian lane ay ilang hakbang pa pala.

OO nga naman, tumawid sa tamang tawiran. Pero wala akong nakitang karatulang ‘bawal tumawid , may namatay na dito”. Sa lugar na ito siguro ay no need na ng ganung nakakatakot na paalala, dahil sa bawat stop light at pedestrian lane ay may nakaabang nang  traffic enforcer na nag ga-guide sa mga tao at sasakyan..In Order. Take note, in order.

Napadpad ang aking mga paa sa Marikina. Isang makulimlim na tanghali ‘yun na never akong naasiwa o napagod maglakad , dahil kapag  nasa Marikina ako, ‘di ako nakakaramdam ng bugnot hehehe!

Hindi ba’t nakakabugnot maglakad sa isang lugar na masikip, matao , traffic at siksikan? Maingay at puno ng basura, vendors , tricycle, pedicab at ilang anik-anik.. samahan pa ng smoke belching at second hand smoke ng yosi kadiri etc etc etc… pero sa Marikina, wala akong nakitang ganun. Usok ng sasakyan  oo ..di maiwasan yun, pero ang nakakalat na vendor, basura etc ay wala. Ang bangketa ay bangketa. Sidewalk, para sa mga tao. Walang nakakalat na upos ng kendi o yosi.

Nakakatuwang makita at malamang may isang siyudad sa Kalakhang Metro Manila (Metropolis) na may ganitong mukha.Sa kabila ng naranasang unos noong bagyong Ondoy, ang Marikina ay isang lugar na hindi nagbago ng  panuntunan pagdating sa kalinisan at kaayusan.

Saludo ako sa mga pamunuan ng Marikina at sa mga mamamayan nito. Ang pagbabago para sa kaayusan ay nagsisimula sa mismong sarili. Disiplina, hindi sa salita kundi sa gawa ang kailangan.

No need nang ikumpara ko ang aking kinalakahang lugar sa Marikina. Marami pa kaming “bigas ng disiplina” na need kainin, na kapag na-digest, lalabas ang nutrients at energy  for a change.

I believe na hindi lang ang mahal kong Maynila ang magtatamasa ng kaayusan in the future, lahat ng City at mga Bayan sa entire Philippines  ay magiging isang maayos at malinis na kanlungan ng mga Pilipinong may disiplina.

Next time, no Jaywalking for me ha?

Comments

Gracie said…
Gandang araw po!
Natuwa ako dito sa akda mo.
Hayan tuloy ayaw paawat na naman ng mga kamay ko.
Magkokomento ng kay haba,
di pa nakontento at ginawa pang tula.

Napatingin tuloy ako sa ulap,
Napanganga, tila doo'y may hinahanap
ayon sa iyong sanaysay,
na pilit kong binabaybay.
Imahe ng kagandahan,
larawan ng kalinisan..

Sa Maynila ba ikamo?
bandang Marikina ba ito?
Diba't nakakatuwang isipin,
na sa lugar na ito'y meron din palang kagandahang angkin.

Hehe pasensya na po..
Salamat pala napadaan ka sa tahanan ko.
Anytime, pwede kang pumaroo't umalis
Pero next time no jaywalking na pls?
Unknown said…
Maraming salamat Gracie,
sa iyong pagdalaw,
isang karangalang mabasa,
komento mong patula.

Pasensya na po kung ngayon lang nabasa,
sapagkat ako po'y lubhang naging abala.

Salamat ulit, ...no jaywalking for me pramis ! God Bless!

Popular posts from this blog

Eksena

AMAYA

Loser Ka Ba?