AMAYA
Ngayong gabi natapos ang epic seryeng Amaya ng GMA 7 Telebabad. ‘Di ko tanda kailan ito nagsimula at kung ilang buwan ba itong namayagpag bilang isang numero uno at kauna-unahang Epic Serye sa Pilipinas.
Pasintabi po, hindi ako PR ng KAPUSO o reviewer ng mga palabas sa sinehan o telebisyon. Hindi rin ako fan ni Marian Rivera. Ngunit ako ay isang FAN ng isang may kabuluhang palabas (sa wakas) na napanood nationwide.
Nakakatuwa ang mga gumanap sa bawat role. They gave their bests ‘ika nga. Bukod sa character ni Marian bilang AMAYA, isa sa mga hinangaan ko ang kontrabidang si Lamitan, na ginampanan ni Gina Alajar. Hindi ko hinangaan of course ang kanyang kasamaan, kundi ang kung paano niya isinalarawan ang character ng isang babaing ganid sa kapangyarihan. Maraming sumasalamin niyan sa kasalukuyan.
I love Bagani. Una ayoko sa kanya, dahil akala ko duwag siya. Pero may natatago palang tapang sa kanya. Sa bandang huli ay isinalarawan niya ang isang pinunong isinantabi ang sariling kapakanan at kaligayahan alang-alang sa kanyang bayan o nasasakupan. Sana may mga taong ganyan pa rin sa modern time.
May mga unang bayaning nagbuwis na ng buhay alang-alang sa prinsipyo at pagmamahal sa BANWA. I salute Yoyo Awi, Gurong Asinas, Binayaan at Haraj Lingayan . May ninais na lang na mamatay alang-alang sa katahimikan , pagkakaibigan at pag-ibig katulad ng anak ni Pusaka. May ninais na lang na magtiis ng sakit ng kalooban at nagpakita ng katatagan, katulad ni Marikit .
Napakaganda ng character ni AMAYA. Isang tunay na Gabriela, na nagsasalamin na noon pa man ay malakas na ang mga babae, na may mga babae nang ‘di matatawaran ang husay at galing sa pakikidigma. At higit sa lahat, may mga Pilipino nang atapang atao na di atakbo.
Hindi ko alam kung nakaka-relate ka sa pinagsasabi ko dito, pero sa mga sumubaybay sa AMAYA, alam ninyo ang sinasabi ko. Yeah, natutuwa ako sa AMAYA. Thank you GMA 7 for providing us ng makabuluhang palabas, may aral at punum-puno ng kaalaman .
Hindi pa man ini-uso ang AMAYA, sadyang malalim na akong managalog, na enhance pa ito sa aking panonood ng EPIC Seryeng ito. Nalaman ko na ang BANA ay asawa pala , na siya pa ring salitang ginagamit sa Kabisayaan, BANWA ay bayan, PUOD ay lugar, Uripon ay alila at iba pang salitang nawala na sa ating mga labi. Napalitan ng ng text Speak at Jejemon.
Batid kong may mga makabagong AMAYA at BAGANI sa ating panahon. Hindi lang nabibigyan ng pagkakataon, at kung may lumabas mang ‘character’ na katulad nila, ay agad na sinusupil ng mga Datu at Rajah (charot!) .Marami pa ring uripon na kinakanlong ng overseas BANWA(S), marami sa kanila ay hindi man lang makaahon kahit maging TIMAWA.Na kapag bumalik sa ating sariling BANWA ay uripon pa rin ng mga dayuhang mangangalakal.
Hayst! Hindi ko alam kung totoong nabuhay man si AMAYA sa ating kasaysayan o ito ay isang kathang isip lang, ngunit it touched my heart. Yes Really.Dahil totoo ang mga ipinakitang buhay ng ating mga sinaunang ninuno bago pa man dumating ang mananakop na Kastila. Ipinakita nito ang katapangan, kabayanihan at pagmamahal sa sariling Bayan. Marami pa marahil ang mga totoong naging bayaning hindi naitala sa kasaysayan.Ang mga naitala man ay lubos kong hinangaan ang kaisugan.
Huwag po sana nating kalimutan ang hirap at pasakit ng ating mga ninunong bayani tulad ng taga –Tondo na si Lakan Dula, (wish ko lolo ko siya) , at ang pagputol ng mga Espanyol sa ulo ng babaylang taga-Bohol na si Tamblot, Ang maisog na si Bankaw, Ang Waray na si Juan Ponce Sumuroy, Ang Kapampangang si Francisco Maniago, Ang kababayan ng Lolo ko na taga Pangasinan, na si Andres Malong at Juan Dela Cruz Palaris, at ang mag-asawang Diego at Gabriela Silang.
Not familiar? Assignment mong balikan ang kasaysayan, bago pa ang buhay ni Rizal at Bonifacio. Sarap ng feelings na may kaunti na akong alam sa ibang bayani. Thank you AMAYA, dahil sa’yo, nagbasa ako ng History. Na –curious ako sa aking sariling pinagmulan.Mayaman pala tayo sa kultura at kasaysayan. May dugo pala akong magiting.
Thank you ulit. Ginising mo ang nahihimbing kong puso, na makabayan pala at punum-puno ng pagmamahal sa aking bayang sinilangan.
God Bless the Philippines!
Comments