Buhay Kuwaresma
Tuwing kuwaresma’y dapat palang magsaya
Tapos na ang lungkot at nakaka boring na araw
Narito na ang lugod , at tunay na pagsamba.
Hindi ko na kailangang maglakad nang paluhod,
O magpapako sa krus upang Iyong marinig,
Pagsusumamo ng puso , dinig mo ang aking tinig.
Ang iyong paghihirap para sa aking mga sala
Ay Iyo nang tinapos sa burol ng golgota,
Sa Iyong huling hininga’y tunay ngang naganap na
Ang Iyong wagas na pasakit , di matutumbasan ng kahit ano pa!
Ang dugong natigis sa Krus ng Kalbaryo ay Siyang naghugas ,
Sa madumi kong pagkatao.
Ngayong kuwaresma , ako ay Masaya,
Sapagkat inalala ko ang Iyong kadakilaan, pagmamahal at pasakit,
Hindi ko kailangang malungkot o magmukmok., di maligo o tumayo,
Bagkus aking isasariwa sa Puso,
Ang aking Tunay na Diyos na si Hesus
Walang kaparis, walang kapantay, Hari ng mga Hari,
Aking tagapag-ligtas at Ama!
Ngayong Kuwaresma ako ay mananalangin ng pasasalamat
Pagpupuri at pagsamba…
Buti na lang ako ay nakakilalang tunay …
Tapos na ang lumang buhay Kuwaresma….
Comments