Friday, August 19, 2011

High School Life


High school life, on my high school life

Ev'ry memory, kay ganda
High school days, oh my high school days Are exciting, kay saya


... sarap ng high school life! Ito ang yugto ng pagiging di na bata at di pa matanda. Ito ang yugto ng buhay kong masasabi kong masaya at minsan ay di masaya :) 


Actually, mas marami namang masasaya kaysa sa hindi masaya, dahil ang mga panahong masaya ay yung nanaisin ko na lang na sa skul tumira :) 


That was 19 years ago, ang tagal na , pero sariwa pa sa ala-ala ko ang mga mukha ng aking mga friends noong high school, thank you sa facebook, dahil nakita ko ulit sila  at nakausap kahit sa chat o text man lang. 




                                                       isa sa mga naitabi kong picture 




Nakakatuwa dahil marami o halos karamihan sa mga klasmeyts at ka-batch ko ay matatagumpay na sa mga napili nilang larangan. Mayroong mga doktor, engineers, nurses  etcetera at ang isa sa kanila ngayon ay ang  pinipitagang Vice- Mayor ng Manila. 


Ang batch namin ang masasabi kong batch ng magaganda, yes, walang halong biro, dahil mula sa pinakamataas na section Amity hanggang Temperance, lahat ay may ipinagmamalaking magagandang binibini at ginoo.


Marami akong mga naging best friends/close friends noong hayskul, ilang taon man ang nagdaan, sa facebook man lang kami nagkakausap at nagkukumustahan, wala pa ring nabago. Sila at ako pa rin ang mga dating magkakaibigang nagdadramahan at nagkukulitan :)


There are times, may problema ka
Kung ang homework, left undone
Pray ka lang, 'wag tawagin ka
Upang di pagtawanan



Ako naman ang tipo ng 'di naman bobo o masyadong matalino sa klase. (sabi ko) , pero masigasig naman akong gumawa ng homework, nakakapasa sa exams with highest scores , except sa Math. Mahina ako noong araw diyan, ewan ko ba, kapag Math subject na, para akong may allergy sa tiyan ,  na tipong lagi kong friends si lomotil o diatab.


Bakit nga ba ang first love ko
Ay di serious, so it seems
Kung alam lang ng first love ko
He is always in my dreams



Marami rin akong naging crushes, pero 'di ako nagkaroon ng first love o bf , di ko kasi hilig o sadyang wala silang hilig sa akin  :) 

High school life, on my high school life
Ev'ry memory, kay ganda
High school days, oh my high school days
Are exciting, kay saya


Masayang i-emote ang nakaraan. High  School days na sobrang naging isang napaka-gandang episode ng aking buhay. 



High school life, ba't ang high school life
Ay walang kasing saya?
Bakit kung Graduation na'y
Luluha kang talaga?



Sa mga friends, klasmeyts , batchmates  ko noong hayskul, keep in touch. Remember na  palagi ko kayong love. :) 





Sunday, August 14, 2011

Have a good Life



Isa akong anak-pawis. Meaning, anak ng hindi mayamang pamilya sa lipunan. Iyon bang hindi ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.

Pero 'di ko naman iyon ikinahihiya. Bagkus, proud ako. Importante, marangal at mayaman sa pangaral ng buhay at may bonus pa, Christian ako.

But of course, hindi naman naka-close ang isipan ko at lunukin na lang ang realidad na ako ay isang anak-mahirap.Alam kong ang Diyos ay mayaman,so mayaman din ako.

God gave me the opportunity to produce wealth. Kapag nakapinid na ang isip ko na ipinanganak akong dukha, oh well, mawawalan ng kabuluhan ang pasakit ni Kristo sa krus ng kalbaryo.

 Para saan ang butas ng kanyang palad sa pagkaka-pako, na dumanak ang dugo mula dito. kung hindi niya ako tinubos sa kahirapan. Ang dugo na umagos  sa kanyang mga kamay ay paglilinis at pagpapala sa gawa ng aking mga kamay.

Walang taong dapat magtiis sa kahirapan at karamdaman. Two thousand years ago, tinapos na ng Lord ang lahat. Tinubos na niya ang ating mga kasalanan, kasama na 'dun ang mga sakit karamdaman.

Ang dapat lang nating gawin ay tanggapin Siya bilang Diyos at sariling tagapag-ligtas ng ating buhay at sambahin Siya in spirit and in truth.


Hindi biro ang mga pinagdaanan Niya sa krus ng kalbaryo para sa iyo. Ang dugong dumanak sa Kanyang ulo dahil sa pagkakaputong ng koronang -tinik ay upang ating maranasan ang pagiging laging una sa lahat ng bagay sa iba't ibang aspeto, bilangin mo ang statistics ng mga Christians, marami sa kanila ang mga managers, leaders at tinitingala sa lipunan. Iyon ang isang magandang promise ng Lord sa mga taong tumatanggap sa Kanya.

 Ang dugong tumilamsik sa kanyang mga likod dahil sa pagkakahampas ng mga uripon ni Pilato ay siyang dugong naglilinis sa lahat ng ating mga karamdaman . By His wounds we are healed.. sabi nga sa isang awit.

Ang dugo namang tumagas mula sa kanyang tagiliran ay paglilinis sa ating mga inner hurt. Lahat tayo ay mayroon 'nun sa malamang. Iba sa atin ay may mga pinagdaanang masamang experiences , inapi noong bata pa, inalipusta o inabandona ng magulang at iba pa, inner hurt yun, na kahit minsan sa pagtanda natin, dala -dala pa. but the good news is, pinawi na ng Lord lahat -lahat ang iyong mga hinagpis. Iyon bang mga secret emote na tanging ikaw lang ang nakaka-alam.

Ang dugong tumagas sa kanyang mga paa ay sumasagisag naman  sa pagpapala na ating mga panyapak. Minsan pansinin mo, kapag napupunta ka sa isang restaurant na nilalangaw or I mean to say, walang kumakain sa hindi malamang kadahilanan, at ikaw ay naligaw dun at kumain, kapagdaka ay siyang sulpot ng mga tao , pumunta ka lang, dumami ang customers. Iyon ang halimbawa na kapag ikaw ay isang anak ng Diyos, ang lahat ng  hahawakan at yayapakan ng iyong mga paa ay pagpapalain.

Kung hindi mo ko lubos na maunawaan, alam kong ang Diyos ang maglalagay nito sa puso mo.

Mapalad tayo. Isang privelege na nga na tayo ay naging Pinoy. Ipinanganak tayo sa isang bansang mayaman, angkinin natin na tayo ay blessed.



Tama na ang emote na kesyo life is hard., na kesyo walang bukas.Na kesyo wala nang kagalingan ang iyong sakit, na kesyo walang nagmamahal sa iyo.

Meron kapatid. Promise. :)











Friday, August 12, 2011

Biskotso



May isang lolo. Ang pangalan niya ay Pedro, isa siyang butihing ama at grandpapa sa kanyang apat na anak at noo'y sampung apo pa lamang.

Si Pedro ay tubong San Miguel Manila, anak nina Agnes Sabino at Pablo Ferriols, na mga kapwa tubong San Fabian Pangasinan.Bunso at nag-iisang lalaki sa apat na magkakapatid.Sina Corazon, Maria at Piling, na mga pawang matatandang -dalaga bukod lamang kay Piling na naging isang dalagang-ina.

Payak o simple lamang ang naging  buhay ni Pedro. Nag-aral sa Mataas na Paaralan ng V. Mapa sa San Miguel Manila.Nakapag-asawa ng isang Bisaya na nag-ngangalang Inocenta Moreno, na tubong Negros Occidental.

Sila ay nanirahan sa Dama De Noche Tondo Manila, at doon bumuo ng pamilya.

Si Pedro ay isang beterano. Dati siyang kusinero o taga-luto sa barko ng mga Amerikano, at nang matapos na ang pananakop ng mga Kano, siya ay nahasang maging isang Tubero. Opo, isang tubero at taas noo niyang ipinagmamalaki ang kanyang trabaho, Isa siyang "doktor" ng mga sirang tubo ng tubig sa lababo , maging sa mga daluyan ng tubig ng mga impastraktura o mga Industriyang gumagawa ng mga produkto.

Skilled-worker 'ika nga. Ito na ang kanyang ibinuhay sa kanyang pamilya, hanggang sa kanyang mga apo.

Ang hindi lang maganda kay Pedro ay mahilig siyang manigarilyo. Yosi kadiri. Pero bilang isang Padre de Pamilya, isa siyang huwaran at kalugod-lugod na ama.

Masipag, matalino at may prinsipyo si Pedro. Simple ang buhay ngunit marangal ang pagkatao. Mahilig din siyang magbasa ng  mga  inspirational books at  ng inspirational column ni Betty Go-Belmonte,sa Ang Pilipino Ngayon (APN) newspaper. Hindi niya pinalalampas na basahin ito. Nagbabasa rin siya ng Bibliya.Madasalin at mapagmahal na lolo sa kanyang mga apo, lalo na sa isang cute niyang babaing apo na si Bhang.

Madalas, matanaw pa lang ni Bhang ang kanyang lolo na paparating mula sa maghapong pagtatrabaho, agad agad na nitong ihahanda ang tsinelas at ipagtitimpla ng kapeng Barako, na isasalin sa isang tasang-sartin saka ihahain sa kanyang lolo Pedro.

Sa ganito,masaya na nilang pagsasaluhan ang pasalubong nitong "Biskotso".

Ano ba ang Biskotso? Ito ang matigas na Biscuit mula sa mga tinapay na pina -toasted , na pinahiran ng margarine at asukal. Isang meryendang masarap paresan ng kape, o isawsaw sa kapeng mainit o gatas. Para sa mga 'poor" o simpleng pamilya noong araw, ang biskotso ay katumbas na ng isang Chicken Burger sa Mcdo. :)

Ilang panahon ang lumipas, tumanda at nagkasakit si Pedro. Na-stroke siya. Naratay sa banig ng karamdaman ng halos isang taon. Inalagaan na parang bata,at isang taong nakaramdam ng awa sa sarili. Awang-awa ang kanyang paboritong apo, ngunit wala rin itong magawa, wala pa itong kakayahan.

Namatay si Pedro, ang kanyang pagkamatay ay pagkawala rin ng kakampi o kaibigan ng kanyang apo. Wala  na ang lolo na lagi nang nag-kukuwento ng magagandang pangyayari ng buhay, wala na ang lolo na animo'y abogado na di nagpapatalo ng  debate sa apo, Wala na ang lolong palaging nagdadala ng Diyaryo, wala na ang lolong nagluluto ng diningding na ulam, wala na ang lolo na mag-ti-treat ng pancit sa isang pansiteria sa Quiapo, wala nang lolong magiging kasalo sa Lumpia ng Globe Lumpia House sa Raon, wala na ..wala na si Pedro. Wala na ang isang huwarang Lolo ng batang taga-Tondo.

Sa ngayon, masarap pa rin ang Biskotso. Na-upgrade na nga ang lasa at packaging ng mga ito. Iba't ibang brand pa. May lokal at imported. Sosyal na nga ang ibang tawag dito.

Mananatiling paborito kong meryenda ang biskotso. Paborito namin ito ng Lolo Pedro ko. Siyanga pala,sa darating na Agosto 19, kaarawan ni Pedro. Ka-birthday niya si Pangulong  ML Quezon, ang ama ng Wikang Filipino.

Happy Birthday Lolo. I miss you.



















Thursday, August 11, 2011

Love Letters

Kailan ba nauso ang email?

Hindi ko na tanda pero ang alam ko lang, ang email ay isang napakabilis ng paraan ng paghahatid ng iyong mensahe o liham sa isang click lang.

No need to wait for one week or more para matanggap mo ang liham na pinaka-aasam mula sa mga minamahal.

Kung papipiliin ka sa Snail mail o Email, 'san ka pa? E di dun na sa mabilis di ba? Laos na ang snail mail. Laos na ang araw na naghihintay ka sa inyong tarangkahan at lulundag sa tuwa sa tuwing matatanaw na si Manong Kartero. Laos na rin ang araw na nananabik kang mabuksan ang sobre na kinapapalooban ng liham mula sa iyong mga minamahal. Kaibigan, magulang, kasintahan o sinuman yan. Masama o magandang balita man ang hatid, isang napakahalagang bahagi na ng ating  buhay ang liham.

Bahagi na ng buhay ko ang sobreng puti na may kulay blue at pulang guhit sa mga gilid nito at nakasaad ang salitang "via airmail".



Iilan pa kaya sa Earth ang nagpapahalaga ng snail mail ?  Malamang sa wala na. Kulelat ka kapag snail mail pa rin ang gamit mo sa paghahatid mensahe. Magiging huli na at panis ang balita mo o kuwento.Ginagamit na lang yun sa paghahatid ng mga billings.Hard copy ng bill mo sa credit cards atbp.

Sa ano't anuman, isa pa rin ako sa nagtatago at nagpapahalaga  sa sa mga loveletters from friends, mga naging "friends" at mga iba pang mahal sa buhay. Ilang dekada nang nakapinid sa isang lalagyan ang mga liham para sa akin, Isa itong animo'y ginto o kayamanan kong hindi dapat mawala o masira, sapagkat sa mga liham na ito nasasaad ang pagmamahal ng mga kaibigan ko. Sa mga liham na ito nasasalamin ang nakaraan, ang mga ngiti at luhang pinagdaanan, at mga pangyayaring nagbigay ng tuwa, galak at ka-inosentehan ng puso.

Sa tuwing nakikita at binabalikan ko ang mga liham , hindi ko mapigilang di maluha, Korni no? pero totoo. Sobrang nami-miss ko noon, ang pakikipagpalitan ng mensahe ng simple, walang pagmamadali , at bukal sa puso. Bonus pa ang pagkakaroon ng personal touch dahil ito ay sulat-kamay ng iyong mahal sa buhay.

Naging mabilis man ang panahon, pero may isa pang nilalang dito sa Earth na matatagpuan sa Pilipinas ang nagmamahal at nagpapahalaga sa mga lumang liham.







Tuesday, August 09, 2011

I WILL FIGHT FOR YOU



                                                     
        Ang laban sa Entablado ng buhay ay parang boksing


Minsan o madalas nagtatanong ka . Ano kaya ang ginagawa ng Diyos sa tuwing nakagapos ka sa alanganin? Nasa sitwasyong sisinghap-singhap ka , na pakiramdam mo’y lunod ka na?

Ano kaya ang ginagawa ng Diyos kapag wala ka nang pera ? Wala ka nang bigas o gaas? Mapuputulan ka ng tubig o kuryente? Pero nagawa mo na bang tanungin ang sarili mo? Ano ba ang ginagawa ko?

Alam natin kung ‘ano”. Ang iba’y nagmumukmok. Iiyak. Maninisi. Iinom ng pampatulog, alak o drugs.

Pero ano ang ginawa ng Diyos? Ipinaglaban niya tayo. Sumampa siya sa entablado ng laban at sinabi niyang  tumabi ka at siya ang bahala. (Exodus 14:14)

Ang tungkulin niya ay ipaglaban ka at ako. Ang tungkulin natin ay magtiwala. Magtiwala ka lang kaibigan.
Anumang suliranin ay malulutas kung sa pagtitiwala at pananampalataya sa Diyos  ay ilalagak. J


ABBA FATHER


Papatawid ako sa panulukan ng Boni Ave at P. Cruz Mandaluyong  isang hapon .May isang batang babaeng nadapa. Sasaklolohan ko sana ito pero mabilis na binuhat ito ng isang lalaki.

Nakita ko sa mga mata ng bata ang sakit na naramdaman mula sa kanyang pagkakadapa.Tanging nasambit lamang ay ang salitang “Papa”. Ang lalaking mabilis pa sa kidlat na sumaklolo ay ang kanyang ama.





Mula sa pagsaklolo sa anak na nadapa, maingat pa niya itong inakay, at habang sila ay papatawid sa intersection, ay binuhat pa nito ang kanyang anak at nagpatuloy sa paglakad.


Isang halimbawa ng pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak.

Hindi ba’t lahat tayo ay ito ang kailangan? Isang ama na didinig sa ating tawag? Isang ama na hahawak o aalalay sa ating mga kamay kapag tayo ay mahina? Isang ama na tutunghay at gagabay sa delikadong intersection  ng  ating buhay?



Isang tawag lang. ‘Abba Father” Isang ama na handang makinig,isang ama na nakatunghay sa ating paglakad at  Isang DIYOS AMA na nagmamahal sa akin at sa Iyo.

Ang ating pagtawag sa kanyang ngalan ay isang malamyos na musika sa kanyang pandinig.






God Bless Everyone. God Bless The Philippines. Jesus is Lord over the Filipino People.

LIHAM sa aking First Love





Mahal Kong First love,
                                 

Nagmumuni-muni  ako ngayon, inaalala ko ang panahong nakilala kita.Mga Panahong nasa gitna ako ng paghahanap ng kahulugan sa buhay ko. Mga panahong tila mapupuno ng ‘question mark” ang isipan ko.  Mga panahong tumawa man ako ay ‘di naman talaga ako natutuwa. Mga panahong akala ko ang ‘paghanga ay pag-ibig. Mga panahong ang pagsang-ayon ko sa mga bagay-bagay ay labag sa aking kalooban. Mga panahong marami akong alam ngunit nagugulumihanan. Mga panahong kahit nakapikit ako’y nakikita ko ang ikot ng mundo, maingay, mabilis at magulo. Mga panahong ang salitang pahinga’y katumbas ng kapaguran sa akin, dahil ako’y totoong pagod nang tumahak sa masalimuot na mundong ito.Magkwentuhan tayo. Hayaan mong balikan ko sa pamamagitan ng liham na ito ang ating kwento. J


Hindi  ko alam na ang pagpasok ko pala noon sa isang kumpanya ay magiging daan upang makilala kita.Hindi aksidente kundi itinadhana.

Tanda ko pa noon, hindi kita pinapansin. Madalas na kitang marinig na pinag-uusapan sa loob ng opisina, ng mga taong lubos na nakakakilala sa’yo. Sabi ko nga noon, ang korni naman ng mga friends mo, palagian kasing binabanggit ang pangalan mo kahit sa simpleng bagay o pagkakataon. Sobra kang sikat. Sobra ka nilang mahal.

Hindi ko alam, ninais mo rin pala akong maging kaibigan. Sinabi mo iyon kay Nerissa, isa sa mga bestfriend mo. Ginawa mo siyang tulay upang ipakilala ka niya sa akin. Noong una, pinagtatatawanan ko pa si Nerissa, iniwasan ko pa nga siya Sabi ko nga, tama nang kilala kita. Period.

Isang araw, lumapit muli sa akin ang bestfriend mo. Niyaya niya akong sumama sa isang ‘party’. Sabi niya, ‘nandun ka  sa lugar na pupuntahan namin. Sabi ko ,” ayoko di ako bagay, lalo pa’t naroon ka.” Ngunit pinilit pa rin ako ni Nerissa, at sabi pa niya, tiyak na matutuwa ka kapag sumama ako.

Bantulot man, after office hour ay sumama ako kay Nerissa. Kabado ako noon. Hindi ko alam ang feelings. Curious ba o excited. First time ko kasing pupunta sa pagtitipon ng mga seryoso ‘ika nga, at saka di naman ako party-goer. Hindi ako sanay sa mga sosyalan.
  
Binagtas namin ang kahabaan ng Recto Ave., U-Belt. pumasok kami sa isang building . Nakaramdam ako ng  kakaibang excitement  habang papaakyat kami sa ikalawang palapag ng gusali, Ang daming tao  at Naisip ko, siguro may malaking okasyon at ikaw ang bida, pero alam kong di mo naman birthday.
Lahat ng taong sumalubong sa amin ay nakangiti.sobrang warm nila.Nakita ko sa kanilang mga mata ang tuwa nang Makita nila ako, at ikinatuwa ko iyon
.
Nang gabing iyon ay nakilala kita. Tama ang mga friends mo. Sobrang bait mo pala. Ang sarap mong maging kaibigan. Mapagmahal ka at isang kaibigang masasandalan sa lahat ng pagkakataon at panahon.
Magmula noon ay di na ko humiwalay sa’yo. Palagi kang nasa tabi ko.Palagi tayong magkasama. Saan man ako magpunta ay nakaalalay ka. Ikaw ang tagapag-pasaya ng bawat oras ko. Tagapag-bigay ng mga kailangan ko. A shoulder to cry on kapag nag-eemote ako.  Hindi ka lang isang kaibigan sa akin, kundi isang kapatid, ama, mentor, lider, adviser at marami pa

Lumipas ang maraming araw sa buhay ko na kasama ka. Walang pagkakataon na di ko sinabi sa’yo ang mga ginagawa ko. Ang aking mga pangarap, pakiramdam, saya o  kalungkutan. Masaya ka kapag nakikita mo akong ginagawa ang mga bagay na makabuluhan.Tinulungan mo akong umangat at magamit ang aking angking kakayahan.

Ngunit lahat ng iyon ay nagbago. Nalunod ako sa mga magagandang nangyari sa buhay ko.Naging “boring’ na sa akin ang daily activities with you.

 Bigla kitang iniwan. Sabi ko, okay lang na gawin ko ang ayaw mo dahil mabait at maunawain ka naman, Alam kong tatangapin mo pa rin ako anuman ang mangyari. Magtagumpay man ako o mabigo sa bagong mundong nadiskubre ko.

Hindi ko namalayan, sobra ka palang nasaktan. Nagpatuloy ang aking pakikipagkaibigan sa iba. Mga kaibigang nagbigay sa akin ng kakaibang “excitement o saya”. Nalungkot ka at  si Nerissa. Pero binale-wala ko iyon. Bahala na sabi ko

Naging biglaan ang pag-aasawa ko. Ikinalungkot mo ang naging dahilan nito, dahil ‘di  mo iyon gusto. Alam kong di naman talaga tama ang naging dahilan o pamamaraan  ko.

Gayunpaman, di mo pa rin ako iniwan. Tinulungan at ginabayan mo pa rin ako sa bawat oras. Pero nahiya na ako sa dami ng kasalanan at pagkukulang ko sa iyo. Kusa akong lumayo. Tuluyan kitang iniwan, pati ang aking mga kaibigan na kaibigan mo rin. Umiwas ako, nagtago at di na nagpakita.

Maraming taon akong nakaramdam ng pag-iisa, kahirapan, problema. Pasakit at iba pa. Gusto kong lumapit sa;yo noon pero nahihiya ako. Hindi ko ginawang tumawag man lang kahit isang minuto

Sa kabila noon, hindi mo pa rin ako iniwan. Sabi nila, nariyan ka lang sa tabi ko at nakamasid. Dahil sa sobrang pagmamahal mo sa akin, hinayaan mo akong gawin anuman ang nais ko dahil naniniwala kang may sarili akong choice. May free will, ika nga. Dahil di ka diktador na kaibigan.

Pinili ko ang sarili kong kagustuhan, imbes na ang payo at mga  aral mo sa akin. Sorry talaga. Sobrang sorry kasi , ‘andami-dami kong kasalanan sa’yo pero nariyan ka pa rin at nagmamahal sa akin.
Lumipas pa ang mga taon, Napakarami kong natutunan. Napakarami mong itinuro sa akin mula sa mga pagkakamali ko. Pinatatatag mo ako. Muli mo akong ibinangon mula nang kusa na akong umiiyak na lumapit sa’yo. Sobra din kasi kitang na-miss. Sobra-sobra. Ang saya-saya ko ngayon, kasi nariyan ka . 

Nararamdaman kitang lalo dahil muli kitang tinanggap sa buhay ko. Ikaw na ulit ang betfriend ko, the best, the very best J

Isa lang ang hiling ko. Tulungan mo akong manatili sa piling mo. Ayoko nang umalis. Bigyan mo pa ako ng ibayong pagmamahal at pagtitiwala sa’yo. Ikaw lang ang nakakagawa nun. Pusong dalisay ang aking nais na likhain mo Oh Diyos para sa akin. J

Naiiyak na naman ako. Alam mo namang mababaw lang ang luha ko. Ang dami ko pang gustong sabihin. Ngunit hindi sapat ang oras ng buhay ko upang ilagay ang pinaka –angkop na salita sa kadakilaan mo.
Nais  kong magpasalamat, at sa pamamagitan ng sulat na ito, at sa aking mga panulat ay maibigay ko ang aking lubos na pagsamba , pasasalamat, pagpupuri sa aking pinakamamahal na best friend,ama, kapatid, at higit sa lahat Diyos at tagapagligtas ng aking buhay.

Isa itong bukas na liham para sa aking first love. First love never dies, First love sa aking Diyos na narapat na ‘di mawala. Isang Diyos na unang umibig sa akin. Walang sinuman o anuman ang magpapawala ng ningas ng apoy ng pag-big ko sa aking Dakilang Lumikha. Salamat po Oh Diyos sa buhay na ibinigay mo sa akin. Nanatili kang tapat sa akin. Hindi ka nagbabago kahapon, ngayon at bukas. Salamat J

Nagmamahal,

Your loving best friend, Mercy 

Emotera ako

Emotera, ito ang naisip kong pangalan ng blog na ito. Matagal ko na itong nagawa, sa totoo lang, ang ibang na-post ko na dito ay binura ko na, inayos at inalis na nga ng tuluyan. Nabanggit ko ngang binura ko na. Oo, binura ko na ang mga nauang naisulat ng aking emoterang puso. Gusto ko ng bago, at gusto ko ng kakaibang paglalathala. Purong damdamin. Walang pasa-kalye. Pulido at totoo. Walang hold-barriers 'ika nga.

Anuman ang sabihin nila, di ko papansinin. Ito ako, tao, may damdamin at handang isulat at ihayag, natitimping damdamin.Emote..emote..emote...

Ang pagiging emotera ay hindi drama. Ito ay hindi isang pag-iinarte lang. Ang emotera ay yaong may malalim na damdaming ni ang mababaw na pananaw ay hindi kayang arukin. Masasalamin lamang ang mga talinghagang salita kung iyo mandin iisipin at uunawain.

Halina at samahan akong mag -emote. Samahan mo akong maghayag ng kahit anong damdaming nais mong isaboses. Anuman ito, ikaw man ay  nasasaktan, masaya, malungkot, masakit ang ngipin o sadyang feel mo lang. Dito ka magbasa, magsulat at humingi ng saklolo.

'Andito lang ako. Ako si Emotera. 
There was an error in this gadget