ABBA FATHER
Papatawid ako sa panulukan ng Boni Ave at P. Cruz Mandaluyong isang hapon .May isang batang babaeng nadapa. Sasaklolohan ko sana ito pero mabilis na binuhat ito ng isang lalaki.
Nakita ko sa mga mata ng bata ang sakit na naramdaman mula sa kanyang pagkakadapa.Tanging nasambit lamang ay ang salitang “Papa”. Ang lalaking mabilis pa sa kidlat na sumaklolo ay ang kanyang ama.
Mula sa pagsaklolo sa anak na nadapa, maingat pa niya itong inakay, at habang sila ay papatawid sa intersection, ay binuhat pa nito ang kanyang anak at nagpatuloy sa paglakad.
Isang halimbawa ng pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak.
Hindi ba’t lahat tayo ay ito ang kailangan? Isang ama na didinig sa ating tawag? Isang ama na hahawak o aalalay sa ating mga kamay kapag tayo ay mahina? Isang ama na tutunghay at gagabay sa delikadong intersection ng ating buhay?
Isang tawag lang. ‘Abba Father” Isang ama na handang makinig,isang ama na nakatunghay sa ating paglakad at Isang DIYOS AMA na nagmamahal sa akin at sa Iyo.
Ang ating pagtawag sa kanyang ngalan ay isang malamyos na musika sa kanyang pandinig.
God Bless Everyone. God Bless The Philippines. Jesus is Lord over the Filipino People.
Comments