Have a good Life
Isa akong anak-pawis. Meaning, anak ng hindi mayamang pamilya sa lipunan. Iyon bang hindi ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
Pero 'di ko naman iyon ikinahihiya. Bagkus, proud ako. Importante, marangal at mayaman sa pangaral ng buhay at may bonus pa, Christian ako.
But of course, hindi naman naka-close ang isipan ko at lunukin na lang ang realidad na ako ay isang anak-mahirap.Alam kong ang Diyos ay mayaman,so mayaman din ako.
God gave me the opportunity to produce wealth. Kapag nakapinid na ang isip ko na ipinanganak akong dukha, oh well, mawawalan ng kabuluhan ang pasakit ni Kristo sa krus ng kalbaryo.
Para saan ang butas ng kanyang palad sa pagkaka-pako, na dumanak ang dugo mula dito. kung hindi niya ako tinubos sa kahirapan. Ang dugo na umagos sa kanyang mga kamay ay paglilinis at pagpapala sa gawa ng aking mga kamay.
Walang taong dapat magtiis sa kahirapan at karamdaman. Two thousand years ago, tinapos na ng Lord ang lahat. Tinubos na niya ang ating mga kasalanan, kasama na 'dun ang mga sakit karamdaman.
Ang dapat lang nating gawin ay tanggapin Siya bilang Diyos at sariling tagapag-ligtas ng ating buhay at sambahin Siya in spirit and in truth.
Hindi biro ang mga pinagdaanan Niya sa krus ng kalbaryo para sa iyo. Ang dugong dumanak sa Kanyang ulo dahil sa pagkakaputong ng koronang -tinik ay upang ating maranasan ang pagiging laging una sa lahat ng bagay sa iba't ibang aspeto, bilangin mo ang statistics ng mga Christians, marami sa kanila ang mga managers, leaders at tinitingala sa lipunan. Iyon ang isang magandang promise ng Lord sa mga taong tumatanggap sa Kanya.
Ang dugong tumilamsik sa kanyang mga likod dahil sa pagkakahampas ng mga uripon ni Pilato ay siyang dugong naglilinis sa lahat ng ating mga karamdaman . By His wounds we are healed.. sabi nga sa isang awit.
Ang dugo namang tumagas mula sa kanyang tagiliran ay paglilinis sa ating mga inner hurt. Lahat tayo ay mayroon 'nun sa malamang. Iba sa atin ay may mga pinagdaanang masamang experiences , inapi noong bata pa, inalipusta o inabandona ng magulang at iba pa, inner hurt yun, na kahit minsan sa pagtanda natin, dala -dala pa. but the good news is, pinawi na ng Lord lahat -lahat ang iyong mga hinagpis. Iyon bang mga secret emote na tanging ikaw lang ang nakaka-alam.
Ang dugong tumagas sa kanyang mga paa ay sumasagisag naman sa pagpapala na ating mga panyapak. Minsan pansinin mo, kapag napupunta ka sa isang restaurant na nilalangaw or I mean to say, walang kumakain sa hindi malamang kadahilanan, at ikaw ay naligaw dun at kumain, kapagdaka ay siyang sulpot ng mga tao , pumunta ka lang, dumami ang customers. Iyon ang halimbawa na kapag ikaw ay isang anak ng Diyos, ang lahat ng hahawakan at yayapakan ng iyong mga paa ay pagpapalain.
Kung hindi mo ko lubos na maunawaan, alam kong ang Diyos ang maglalagay nito sa puso mo.
Mapalad tayo. Isang privelege na nga na tayo ay naging Pinoy. Ipinanganak tayo sa isang bansang mayaman, angkinin natin na tayo ay blessed.
Tama na ang emote na kesyo life is hard., na kesyo walang bukas.Na kesyo wala nang kagalingan ang iyong sakit, na kesyo walang nagmamahal sa iyo.
Meron kapatid. Promise. :)
Comments