Love Letters

Kailan ba nauso ang email?

Hindi ko na tanda pero ang alam ko lang, ang email ay isang napakabilis ng paraan ng paghahatid ng iyong mensahe o liham sa isang click lang.

No need to wait for one week or more para matanggap mo ang liham na pinaka-aasam mula sa mga minamahal.

Kung papipiliin ka sa Snail mail o Email, 'san ka pa? E di dun na sa mabilis di ba? Laos na ang snail mail. Laos na ang araw na naghihintay ka sa inyong tarangkahan at lulundag sa tuwa sa tuwing matatanaw na si Manong Kartero. Laos na rin ang araw na nananabik kang mabuksan ang sobre na kinapapalooban ng liham mula sa iyong mga minamahal. Kaibigan, magulang, kasintahan o sinuman yan. Masama o magandang balita man ang hatid, isang napakahalagang bahagi na ng ating  buhay ang liham.

Bahagi na ng buhay ko ang sobreng puti na may kulay blue at pulang guhit sa mga gilid nito at nakasaad ang salitang "via airmail".



Iilan pa kaya sa Earth ang nagpapahalaga ng snail mail ?  Malamang sa wala na. Kulelat ka kapag snail mail pa rin ang gamit mo sa paghahatid mensahe. Magiging huli na at panis ang balita mo o kuwento.Ginagamit na lang yun sa paghahatid ng mga billings.Hard copy ng bill mo sa credit cards atbp.

Sa ano't anuman, isa pa rin ako sa nagtatago at nagpapahalaga  sa sa mga loveletters from friends, mga naging "friends" at mga iba pang mahal sa buhay. Ilang dekada nang nakapinid sa isang lalagyan ang mga liham para sa akin, Isa itong animo'y ginto o kayamanan kong hindi dapat mawala o masira, sapagkat sa mga liham na ito nasasaad ang pagmamahal ng mga kaibigan ko. Sa mga liham na ito nasasalamin ang nakaraan, ang mga ngiti at luhang pinagdaanan, at mga pangyayaring nagbigay ng tuwa, galak at ka-inosentehan ng puso.

Sa tuwing nakikita at binabalikan ko ang mga liham , hindi ko mapigilang di maluha, Korni no? pero totoo. Sobrang nami-miss ko noon, ang pakikipagpalitan ng mensahe ng simple, walang pagmamadali , at bukal sa puso. Bonus pa ang pagkakaroon ng personal touch dahil ito ay sulat-kamay ng iyong mahal sa buhay.

Naging mabilis man ang panahon, pero may isa pang nilalang dito sa Earth na matatagpuan sa Pilipinas ang nagmamahal at nagpapahalaga sa mga lumang liham.







Comments

Popular posts from this blog

Eksena

AMAYA

Loser Ka Ba?