Emotera ako

Emotera, ito ang naisip kong pangalan ng blog na ito. Matagal ko na itong nagawa, sa totoo lang, ang ibang na-post ko na dito ay binura ko na, inayos at inalis na nga ng tuluyan. Nabanggit ko ngang binura ko na. Oo, binura ko na ang mga nauang naisulat ng aking emoterang puso. Gusto ko ng bago, at gusto ko ng kakaibang paglalathala. Purong damdamin. Walang pasa-kalye. Pulido at totoo. Walang hold-barriers 'ika nga.

Anuman ang sabihin nila, di ko papansinin. Ito ako, tao, may damdamin at handang isulat at ihayag, natitimping damdamin.Emote..emote..emote...

Ang pagiging emotera ay hindi drama. Ito ay hindi isang pag-iinarte lang. Ang emotera ay yaong may malalim na damdaming ni ang mababaw na pananaw ay hindi kayang arukin. Masasalamin lamang ang mga talinghagang salita kung iyo mandin iisipin at uunawain.

Halina at samahan akong mag -emote. Samahan mo akong maghayag ng kahit anong damdaming nais mong isaboses. Anuman ito, ikaw man ay  nasasaktan, masaya, malungkot, masakit ang ngipin o sadyang feel mo lang. Dito ka magbasa, magsulat at humingi ng saklolo.

'Andito lang ako. Ako si Emotera. 

Comments

Popular posts from this blog

Eksena

AMAYA

Loser Ka Ba?