I WILL FIGHT FOR YOU
Ang laban sa Entablado ng buhay ay parang boksing
Minsan o madalas nagtatanong ka . Ano kaya ang ginagawa ng Diyos sa tuwing nakagapos ka sa alanganin? Nasa sitwasyong sisinghap-singhap ka , na pakiramdam mo’y lunod ka na?
Ano kaya ang ginagawa ng Diyos kapag wala ka nang pera ? Wala ka nang bigas o gaas? Mapuputulan ka ng tubig o kuryente? Pero nagawa mo na bang tanungin ang sarili mo? Ano ba ang ginagawa ko?
Alam natin kung ‘ano”. Ang iba’y nagmumukmok. Iiyak. Maninisi. Iinom ng pampatulog, alak o drugs.
Alam natin kung ‘ano”. Ang iba’y nagmumukmok. Iiyak. Maninisi. Iinom ng pampatulog, alak o drugs.
Pero ano ang ginawa ng Diyos? Ipinaglaban niya tayo. Sumampa siya sa entablado ng laban at sinabi niyang tumabi ka at siya ang bahala. (Exodus 14:14)
Ang tungkulin niya ay ipaglaban ka at ako. Ang tungkulin natin ay magtiwala. Magtiwala ka lang kaibigan.
Ang tungkulin niya ay ipaglaban ka at ako. Ang tungkulin natin ay magtiwala. Magtiwala ka lang kaibigan.
Anumang suliranin ay malulutas kung sa pagtitiwala at pananampalataya sa Diyos ay ilalagak. J
Comments