Posts

Showing posts from August, 2011

High School Life

Image
High school life, on my high school life Ev'ry memory, kay ganda High school days, oh my high school days Are exciting, kay saya ... sarap ng high school life! Ito ang yugto ng pagiging di na bata at di pa matanda. Ito ang yugto ng buhay kong masasabi kong masaya at minsan ay di masaya :)  Actually, mas marami namang masasaya kaysa sa hindi masaya, dahil ang mga panahong masaya ay yung nanaisin ko na lang na sa skul tumira :)  That was 19 years ago, ang tagal na , pero sariwa pa sa ala-ala ko ang mga mukha ng aking mga friends noong high school, thank you sa facebook, dahil nakita ko ulit sila  at nakausap kahit sa chat o text man lang.                                                          isa sa mga naitabi kong picture  Nakakatuwa dahil marami o halos karamihan sa mga klasmeyts at ka-batch ko ay...

Have a good Life

Image
Isa akong anak-pawis. Meaning, anak ng hindi mayamang pamilya sa lipunan. Iyon bang hindi ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Pero 'di ko naman iyon ikinahihiya. Bagkus, proud ako. Importante, marangal at mayaman sa pangaral ng buhay at may bonus pa, Christian ako. But of course, hindi naman naka-close ang isipan ko at lunukin na lang ang realidad na ako ay isang anak-mahirap.Alam kong ang Diyos ay mayaman,so mayaman din ako. God gave me the opportunity to produce wealth. Kapag nakapinid na ang isip ko na ipinanganak akong dukha, oh well, mawawalan ng kabuluhan ang pasakit ni Kristo sa krus ng kalbaryo.  Para saan ang butas ng kanyang palad sa pagkaka-pako, na dumanak ang dugo mula dito. kung hindi niya ako tinubos sa kahirapan. Ang dugo na umagos  sa kanyang mga kamay ay paglilinis at pagpapala sa gawa ng aking mga kamay. Walang taong dapat magtiis sa kahirapan at karamdaman. Two thousand years ago, tinapos na ng Lord ang lahat. Tinubos na niya ang ating ...

Biskotso

May isang lolo. Ang pangalan niya ay Pedro, isa siyang butihing ama at grandpapa sa kanyang apat na anak at noo'y sampung apo pa lamang. Si Pedro ay tubong San Miguel Manila, anak nina Agnes Sabino at Pablo Ferriols, na mga kapwa tubong San Fabian Pangasinan.Bunso at nag-iisang lalaki sa apat na magkakapatid.Sina Corazon, Maria at Piling, na mga pawang matatandang -dalaga bukod lamang kay Piling na naging isang dalagang-ina. Payak o simple lamang ang naging  buhay ni Pedro. Nag-aral sa Mataas na Paaralan ng V. Mapa sa San Miguel Manila.Nakapag-asawa ng isang Bisaya na nag-ngangalang Inocenta Moreno, na tubong Negros Occidental. Sila ay nanirahan sa Dama De Noche Tondo Manila, at doon bumuo ng pamilya. Si Pedro ay isang beterano. Dati siyang kusinero o taga-luto sa barko ng mga Amerikano, at nang matapos na ang pananakop ng mga Kano, siya ay nahasang maging isang Tubero. Opo, isang tubero at taas noo niyang ipinagmamalaki ang kanyang trabaho, Isa siyang "doktor...

Love Letters

Image
Kailan ba nauso ang email? Hindi ko na tanda pero ang alam ko lang, ang email ay isang napakabilis ng paraan ng paghahatid ng iyong mensahe o liham sa isang click lang. No need to wait for one week or more para matanggap mo ang liham na pinaka-aasam mula sa mga minamahal. Kung papipiliin ka sa Snail mail o Email, 'san ka pa? E di dun na sa mabilis di ba? Laos na ang snail mail. Laos na ang araw na naghihintay ka sa inyong tarangkahan at lulundag sa tuwa sa tuwing matatanaw na si Manong Kartero. Laos na rin ang araw na nananabik kang mabuksan ang sobre na kinapapalooban ng liham mula sa iyong mga minamahal. Kaibigan, magulang, kasintahan o sinuman yan. Masama o magandang balita man ang hatid, isang napakahalagang bahagi na ng ating  buhay ang liham. Bahagi na ng buhay ko ang sobreng puti na may kulay blue at pulang guhit sa mga gilid nito at nakasaad ang salitang "via airmail". Iilan pa kaya sa Earth ang nagpapahalaga ng snail mail ?  Malamang sa wala na. Kulel...

I WILL FIGHT FOR YOU

Image
                                                              Ang laban sa Entablado ng buhay ay parang boksing Minsan o madalas nagtatanong ka . Ano kaya ang ginagawa ng Diyos sa tuwing nakagapos ka sa alanganin? Nasa sitwasyong sisinghap-singhap ka , na pakiramdam mo’y lunod ka na? Ano kaya ang ginagawa ng Diyos kapag wala ka nang pera ? Wala ka nang bigas o gaas? Mapuputulan ka ng tubig o kuryente? Pero nagawa mo na bang tanungin ang sarili mo? Ano ba ang ginagawa ko? Alam natin kung ‘ano”. Ang iba’y nagmumukmok. Iiyak. Maninisi. Iinom ng pampatulog, alak o drugs. Pero ano ang ginawa ng Diyos? Ipinaglaban niya tayo. Sumampa siya sa entablado ng laban at sinabi niyang  tumabi ka at siya ang bahala. (Exodus 14:14) Ang tungkulin niya ay ipaglaban ka at ako. Ang tungkulin natin ay magtiwala. Magtiwala ka lang kaibigan...

ABBA FATHER

Image
Papatawid ako sa panulukan ng Boni Ave at P. Cruz Mandaluyong  isang hapon . May isang batang babaeng nadapa. Sasaklolohan ko sana ito pero mabilis na binuhat ito ng isang lalaki. Nakita ko sa mga mata ng bata ang sakit na naramdaman mula sa kanyang pagkakadapa.Tanging nasambit lamang ay ang salitang “Papa”. Ang lalaking mabilis pa sa kidlat na sumaklolo ay ang kanyang ama. Mula sa pagsaklolo sa anak na nadapa, maingat pa niya itong inakay, at habang sila ay papatawid sa intersection, ay binuhat pa nito ang kanyang anak at nagpatuloy sa paglakad. Isang halimbawa ng pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak. Hindi ba’t lahat tayo ay ito ang kailangan? Isang ama na didinig sa ating tawag? Isang ama na hahawak o aalalay sa ating mga kamay kapag tayo ay mahina? Isang ama na tutunghay at gagabay sa delikadong intersection  ng  ating buhay ? Isang tawag lang. ‘Abba Father” Isang ama na handang makinig,isang ama na nakatunghay sa ating paglakad at  Isang DIYOS ...

LIHAM sa aking First Love

Image
Mahal Kong First love,                                   Nagmumuni-muni  ako ngayon, inaalala ko ang panahong nakilala kita.Mga Panahong nasa gitna ako ng paghahanap ng kahulugan sa buhay ko. Mga panahong tila mapupuno ng ‘question mark” ang isipan ko.  Mga panahong tumawa man ako ay ‘di naman talaga ako natutuwa. Mga panahong akala ko ang ‘paghanga ay pag-ibig. Mga panahong ang pagsang-ayon ko sa mga bagay-bagay ay labag sa aking kalooban. Mga panahong marami akong alam ngunit nagugulumihanan. Mga panahong kahit nakapikit ako’y nakikita ko ang ikot ng mundo, maingay, mabilis at magulo. Mga panahong ang salitang pahinga’y katumbas ng kapaguran sa akin, dahil ako’y totoong pagod nang tumahak sa masalimuot na mundong ito.Magkwentuhan tayo. Hayaan mong balikan ko sa pamamagitan ng liham na ito ang ating kwento. J...

Emotera ako

Image
Emotera, ito ang naisip kong pangalan ng blog na ito. Matagal ko na itong nagawa, sa totoo lang, ang ibang na-post ko na dito ay binura ko na, inayos at inalis na nga ng tuluyan. Nabanggit ko ngang binura ko na. Oo, binura ko na ang mga nauang naisulat ng aking emoterang puso. Gusto ko ng bago, at gusto ko ng kakaibang paglalathala. Purong damdamin. Walang pasa-kalye. Pulido at totoo. Walang hold-barriers 'ika nga. Anuman ang sabihin nila, di ko papansinin. Ito ako, tao, may damdamin at handang isulat at ihayag, natitimping damdamin.Emote..emote..emote... Ang pagiging emotera ay hindi drama. Ito ay hindi isang pag-iinarte lang. Ang emotera ay yaong may malalim na damdaming ni ang mababaw na pananaw ay hindi kayang arukin. Masasalamin lamang ang mga talinghagang salita kung iyo mandin iisipin at uunawain. Halina at samahan akong mag -emote. Samahan mo akong maghayag ng kahit anong damdaming nais mong isaboses. Anuman ito, ikaw man ay  nasasaktan, masaya, malungkot, masaki...