Saturday, September 01, 2012

MINSAN MAY ISANG GANID


Minsan may isang ganid ,
Walang inatupag kundi sarili,
Walang pagsidlan ang tuwa, makamtan lamang inaasam.

Ano ba ang inaasam niya?
Pagmamahal na walang talos?
Pagmamahal na pinid ?
Pagmamahal na lubos?
Isa siyang ganid,
Ganid.
Minabuti pang masira ang masasayang araw,
Sa isang iglap…
Naglaho nang tunay,
Tunay… tunay na pagmamahal,
Tunay na saya at ligaya.
Minsan may isang ganid …
Magdusa ka isang ganid.
Tipahin mo ang kamatayan ng iyong puso….
Umiyak ka man ng dugo.. HINDI na  maibabalik ang mga naglaho….

Friday, August 31, 2012

I WISH I HAD..


I wish I had the courage to tell,
The very inside my heart.
I wish I had the courage to give,
Love that I can freely give.
I wish that I am matured enough,
To face and resist the devil,
I wish I am ENOUGH
To live right.
I wish I have not forgotten,
The seed of good in my heart,
I wish I never did,
The things that made U hurt.
I Wish that I may be an another person,
From different dimension.
I wish I lived faraway,
Not to face the truth,
I wish I am a dog,
To run fast as I can, when get hurt.
I wish I am an eagle,
To spread my wings wider,
To fly higher...
I wish I am a mermaid, to swim all the time,
As the water mixed with my tears.
I wish that I can turn back the time,
When we are happier,
I wish I had the heart,
To love.
To understand.
To trust.
To deal with.
To give.
To sacrifice.
To touch.
I wish I am what I want to be…
I wish things will change.
I wish...Oh I wish….
I wish everything will change...
I wish things remain.

Friday, June 29, 2012

Dual Sim Heartache



Parang dual sim na cellphone ang sakit na nararamdaman ko. Kasing –sakit na parang dinaganan ng adobe ang puso ko, ‘yun bang parang nabibilaukan ako, para bagang may nakabarang something in between my throat and chest. Feeling ko, hindi na dumadaloy ang dugo sa buo kong katawan. Gusto kong manatiling nakahiga na lang. Hindi makaiyak. Hindi makahikbi, nakabara nga eh, stagnant.

Maghapon kong hinintay ang tawag niya. Kahit ang text message na may salitang “Kumusta ka na?”Nakakamiss sobra.Pero sa kabilang banda, mainam na rin na hindi ko siya marinig. Hindi ko na siya maramdaman mula sa aking dual sim. Ito ang tama.Ito ang dinidikta ng aking isip.Siya ang pangalawang sim.

Mahal ko ba siya? O hype lang? Muli, siya si pangalawang sim.

Dual sim na sakit ng feelings. Hindi ko ma explain.Nang dahil sa aking kapalaluan, nawala ang taong mahalaga pala sa akin. Isang taong lubos kong nasaktan dahil sa aking walang kwentang standard. Hinanapan ko siya ng kamalian. Tiningnan ko ang kanyang kahinaan. Inabuso ko ang kanyang kabaitan. Hindi ko tiningnan ang kanyang kabutihan at ang kagandahan ng kanyang pagkatao.

Ngayon… nagsisisi ako. Ito ang consequence ng kasalanan ko. Niloko ko siya ng mahabang panahon. Kung kailan nais ko nang magbago, saka niya ako nabuking. Saka pa lang niya nalaman ang lahat. Ang sakit. Ang sakit sakit.Iyan ang naunang sim.

Pangalawang sim… alam kong nasasaktan ko siya sa aking mga pananalita at pagdududa. Minahal ko ba siyang talaga? O mahal niya ba akong talaga? Walang kasiguruhan. Pero naging Masaya ako. Na excite ako. Binigyan niya ng spice ang buhay ko. Pero nasaan na siya ngayon? Wala. Hindi na nagparamdam.Hindi ko alam ang dahilan.

Ang hirap. Habang tinitipa ko ito, gusto ko nang umiyak. Pero di ko magawa. Gusto kong humiyaw, pero wala akong tinig.

No more dual sim. No more dual sim from now on.

Tuesday, May 22, 2012

Superman


Guwapo, matalino.
‘Yan si Superman.

Matangkad. Matikas.
‘yan si Superman.

Mabait , ‘gentleman,
‘yan si Superman.

Lumilipad, nagtatanggol.
‘yan si Superman.

Nakakaibig, nakakabighani.
‘yan si Superman.

Sa kanyang mga mata kita ko ang lambing,
Pagmamahal na walang kahambing,
Samyo ng hininga’y animoy “fried chicken”.
Sarap lasap-lasapin, parang McDO na uulit-ulitin.

‘Yan si Superman, walang kaparis,
Palagiang  aasaming Makita at ibigin.

Ugat


Ugat ng nakaraang pilit winawaksi nitong isipan,
Ngunit anuman ang gawin,
Pilit pa ring nanunumbalik,
Pait ng kahapong nagpatangis.

Sakit ng kalooban nang pabayaan,
Sa kamay ng mga taong walang pakundangan,

Sa batang katawan, batbat na ang hirap,
Yayat na katawan pilit inuuunat
Kasabay ng pagod na isipa’t  Damdamin,
Nagpapatatag  ay pag-asang muling  masilayan,
Maynilang sinilangan.

Ayaw nang lingunin pangit na naranasan,
Paghihirap, pang-aapi ..ni ayaw nang maalala, ni guni-guni.
Ngunit salamat sa Poong Maykapal,
Sa karanasang tatlong taong walang huntay,
Inialis sa lugar na tila may  sumpa’y binigay.
Anuman ang gawin, di pa rin maiaalis,
Kalahati ng puso ko ay naiwan
Sa lugar na inayawan.

Kung ako man ay babalik,
Di para maghimagsik,
Kundi balikan ang katiting na ala-ala,
Kakaunting mga taong nagmahal
At mga taong nagbigay ng pag-asa at pangaral.

Sa mga kakaunting taong iyo’y salamat.
Maraming maraming salamat.



Monday, May 21, 2012

Loser Ka Ba?



Being a loser doesn’t only mean na you lose or you are not succeeded sa mga ginagawa mo. Lahat naman di natin keri. We are not perfect. But a loser’s definition para sa akin ay ang mga taong patuloy nilang ini-a-allow ang kaaway ng Diyos na agawin at was akin ang mga magagandang bagay na ipinagkaloob ni Lord sa kanila. Nawawala ang kanilang potential upang maging isang great sa mata ng Diyos.

Inisa-isa ko ang ilang palatandaan ng isang pagiging isang loser o talunan. Ito rin ang mga bagay na ginawa kong eksamin sa aking sarili.m Loser ba ako o hindi?

Loser ka kung ikaw ay:

- May Paulit-ulit na miserable misfortunes. Sabi nga anuman ang mangyari sa life natin o bunga nito, makikita mo kung anong klaseng puno ng pagkatao ka meron

- Life na puro trouble and chaos. Puro kaguluhan at away ang alam. Mga taong palagi na lang may masamang balak sa kapwa, kunwaring mabuti pero may bad intentions pala sa kabila ng kabutihan.

- May broken relationship sa pamilya, kaibigan, kamag-anak, kakampi, kasama etc etc, normal din naman ito pero ang loser, balikan man ang talambuhay, puro broken relationship ang mababasa

- Ang loser ay may unstable career.Iyong walang focus sa ginagawa. Naka sampung trabaho na sa loob ng isang taon. Ilang employer ang nakasulat sa resume

- Loser ka kapag ang isang lugar ay biglang nagliwanag kapag umalis ka or wala ka. Meaning, kapag naroon ka, may discomfort, tension, confusion and agitation.

- Ang loser ay maingitin



But being a loser is a temporary situation, only if we allow God to transform us from being a loser to a winner. Everything is spiritual. Ang pagiging loser ay spiritual problem, that only God can change the heart.

Lift up to God your loser spirit. Let us all be a winner. God Bless you.

Monday, May 14, 2012

Intsik at Pinoy



Dami ko nakakasalamuhang Instsik. Sa workplace lang, dami na. Una, kasi Fil-Chinese ang mga bossing ko, naman kasi’y 90 percent yata (?) ng mga empoyer sa Pilipinas ay Instik. Pangalawa, lumaki ako sa Tundo. Bago pa nauso ang mga dayo sa coastal area ng Maynila, na pawang mga Bisaya, puro intsik na ang mga naninirahan. Karamihan mga kapit-bahay pa namin. Lumaon, napunta na sila sa Binondo. Umalis ng Tundo.

Sa trabaho , lalo na sa Industriyang kinabibilangan ko, pawang mga Instik pa rin ang may ‘ say ‘ sa mga decision makings etc… Sila kasi ang mga superiors at mga boss.
Hango sa Google Images 


Hindi ako galit sa kanila. Gusto ko lang silang isulat. Napapanahon kasi ang kanilang lahi. Lahing gustong umangkin sa ating Scarborough Shoal . Pero sila rin ang lahing hinahangaan ko ng kaunti, dahil sa kanilang kasipagan at determinasyon sa buhay. Hindi lahat ng Instik ay mabait. Hindi rin naman lahat ng Pinoy ay mabait. Kaibahan lang, ang Pinoy ay Pinoy.Sandamukal man ang problema, nakatawa pa rin. Sandamukal man ang gusot sa buhay, nagagawa pa ring makipag-kapwa tao ng mahusay.

Ang mga Instik ay matatalino. Sila ang mga nakikita kong mga parang kabuteng nagsusulputan sa Divisoria. Sila ang mga may-ari ng mga tindahan sa mga pangunahing pamilihan dito. Kung hindi ba naman sila matalino sa diskarte, makakapanatili ba sila sa beloved Philippines ko? Kung hindi sila matalino, madali ba nilang matututunan ang mga salitang “mura na yan te”, bili na te, “at ano hanap mo te? “ Take note, they are trying their best to learn our language, kahit mas lamang ang katinig na “L” sa bawat salita.

I thanked the Chinese people here. They gave employment. Maging Chinese Local or foreign. Ang mga local ay yung mga dito na isinilang. Ang foreign, ay ang mga dayong hindi ko alam paano nakapasok at nakapag-negosyo sa Pilipinas. Illegal man o legal na pamamaraan, kunsensya na nila ‘yan.

Ang kaibahan lang, ang mga Pinoy, dumayo man sa ibang lunan, they are still the Pinoys who are humble. Pinoys serves as the servants. Umangat man ang buhay sa ibang bansa, hindi sila mga nag aastang siga.

Ang buhay ay isang biyayang dapat nating bigyan ng kabuluhan. Ang pagiging Pinoy ay biyaya. Ang pagiging Pilipino sa dugo at isip ay natatangi. Ang kulay kayumanggi ay hindi kahulugan ng kababaan. Ang pagiging Pinoy ay katumbas ng pagiging patas, malakas, matayog at lumalaban kung kinakailangan.

Ang mga instik ay kaibigan natin. Marami pa ring mababait. May mga marunong din naman makipag-kapwa tao.Look at them, not look up to them. Imitate their ideas. Imitate how they are doing to make their life bountiful.

Many times, nangangarap akong one day, Filipino people will rise. Pinoys will make it to the top. Hindi tayo dapat servant ng mga dayuhan sa ating sariling bayan. Atin ito. Hindi kanila.


Ang mga naglalakihang building sa Divisoria ay dapat na Pinoy ang nakatira. Pero hindi natin afford kahit nga sa murang upa ng entreswelo , hindi kaya. Condominium pa? Pero bakit Pinoy ang mga nakatira sa Baseco? Sa Parola? Sa Isla Puting Bato? Bakit na-ta-typecast tayong talunan,dayo, alila, tindera, kargador na sinisigaw –sigawan lang?

Instik at Pinoy….

hango sa google images



Ayoko nang pahabain pa. Ma-Hb (high-blood)lang ako kapag pinahaba ko pa. Let us make peace not war.

hango sa google images 

















Mothers' Day Special


Mother’s day…Sarap namnamin,
Isang araw na pagpupuri’t pagpupugay
Sa mga dakilang babae ng ating buhay.

Maraming taon ding ‘di ko naramdaman,
Ang humalik sa inang nagsilang,
Walang inang inalayan ng bulaklak na rosas,
O isang greeting card ng pasasalamat.

Maraming oras din ang nasayang,
Ni hindi natikman.. lutong paboritong ulam,
Ni hindi ko alam ang pakiramdam,
Kung paano ba Hainan ng inang pinanggalingan.

Maraming panahon, batbat ng kahungkagan,
Maraming beses ding nakatunghay sa kawalan.
Maraming gabi na kumot ang nagbibigay yakap,
Maraming Mother’s day na walang inang binigyang pugay.

Bagamat kabataan ma’y naging kulang,
Kalungkutan nama’y napaparam,
Batid kong kahit siya’y wala sa aking tabi,
Sa puso niya’y ngalan ko ang nakahabi.


Una , salamat sa Diyos na lumikha,
Sapagkat ako ay KANYANG ipinagkatiwala,
Na isilang ng isang babaeng dakila,
Aking inang nagbigay buhay
Isang inang nagbigay init ng kanyang pagmamahal.

Pangalawa, Salamat sa aking Ina,
Sa sakripisyong ibinigay mo,
Bagama’t masalimuot,
Alam ko, ni minsan ay di ka nakalimot…

Salamat… salamat sa iyong dakilang pagbibigay buhay,
Happy Mother’s day Nay…! Wala kang kapantay!




Tuesday, May 08, 2012

lovelyf...



Noon, nakilala kitang super bait. Naalala ko pa noon.. ah basta, nakakatuwang pagkakilala. Nakakatuwa at nakakatawa ang ating naging simula. Isang mahabang biyahe sa jeep na nauwi sa lovelyf.


Pero, ang lovely na sinasabi ko, hindi maganda or smooth.Lovelyf na masalimuot. You love me and I love you pero nananaig pa rin ang kunsensya sa puso natin.

Dear Readers, don’t get me wrong. Si lovelyf kasi noon ay may gf na,bago pa kami nagkakilala. He is engaged to be married.And I am certified single.Isang engaged man at single woman na nagkatagpo sa iisang wrong timing na sitwasyon.

Kausapin ko muna siya sa pamamagitan nito, Dear Readers, let me pour out my heart thru this.

Para sa’yo lovelyf, natandaan ko pa noon, sinikap nating maging tayo. Nilihim natin ang lahat dahil ako na rin ang humiling nito. Ayokong masaktan ang babaing dapat mo nang pakasalan. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng lalaki sa Earth, Ikaw pa ang nakilala ko at minahal. Isang lalaking pag-aari na ng iba or I may say, malapit nang maging pag-aari ng iba.

Marami tayong things in common. Naging Masaya ka sa piling ko, ganun din ako. Naging Masaya tayong nangarap ng buhay na magkasama. Isang buhay na punum-puno ng pag-asa. Pero lahat iyon ay naglaho. Naglahong parang bula. Dahil naduwag ka. Natakot. Naguluhan. Ang daya mo.

Mandaraya ka lovelyf. Naiwan ako sa ere. Sabi mo aayusin mo muna ang lahat, at babalik ka. Pero hindi na ako umasa. Pinilit mong bumalik pero ayoko na. Bakit ko pa tatangapin ang lalaking nagpatali na sa iba?Na dapat ako ang nagdala ng apelyido mo at hindi siya.

Natakot ka sa banta niya? Natakot ka sa sumbat ng iba?

Pero tapos na iyon. Mahabang taon na rin ang lumipas. Numero ni Hudas na nga ang binilang, at muli tayong nagkatagpo. Natuwa ako kasi buhay ka pa pala. Pero in fairness, pumogi ka.

Naikwento mong hiwalay na kayo. Gusto kong malungkot, pero natuwa ako. Kasalanan mang makaramdam ng ganun, natuwa ako kasi, naranasan mo ang naranasan ko.

Hindi ka naging Masaya? Hangang ngayon sinungaling ka. Kita naman sa mga pictures mo sa Facebook, ang saya-saya mo. By the way, salamat sa effort, hinanap mo ako sa facebook, hangang magkita tayong muli nang personal.

Pero hindi lang ikaw ang madaya lovelyf. Madaya talaga ang pagkakataon. Kaya panindigan na lang nating maging madaya. Dayain na lang natin ang ating mga sarili.Isipin mo na lang, facebook friend lang ako. Hindi na ako ang dating lovelyf mo. Hindi na rin ikaw ang dating lovelyf ko.

Habang-buhay na lang nating kimkimin ang lovelyf natin. Lovelyf na nabuo noon, nawasak noon, pero kailanman ay hindi na magiging isang happy ending ngayon.

Bago ako magwakas, isa lang masasabi ko lovelyf: Mahal kita noon hanggang ngayon.



Dear Readers, sorry. Ini-express ko lang aking nararamdaman. Tao lang.

Sunday, April 22, 2012

Mahilig ako sa Unli Call and Text

Palagi na lang bitin ang load. Dangan kasi, panay pa unli. Pa all text. Di pala ako nakakatipid. Nasasayang lang ang Twenty Pesos ko. Sakit pa daliri ko sa kakapindot ng matigas kong keypad.

Walang magawa, napadako sa aking sariling blogs na walang tiyak na isusulat. Walang topic na nasa isip. Let this fingers type the words. Utak at puso ko naman ang nagdidikta, kung ano ang titipahin hindi ba?

Sa simula't simula pa, ganito na ako. Biglaang tatahimik, mag-iisip ng mga bagay-bagay, sabay haharap sa computer. Habang kaharap si bestfriend PC, naba- blanko... nahihinto... OMG! wala na akong masabi. Wala naman talaga akong sasabihin.

Balik tayo sa Unli text. Sarap magtext nang unli, lalo pa kung importanteng tao ang katext mo. 'yun bang special siya sa'yo. Graduate na 'ko 'dyan, di na ko bata. I mean, wala na ko sa stage nang ganyan. Yun bang may kilig factors pa 'ika nga.

Importante sa akin ang Unli. Lalo pa kapag malungkot ako at nahihirapan. Nasasaktan. I believe, UnliCall is the best thing. The best choice.

Isa lang naman ang tinatawagan ko sa mga ganitong pagkakataon. Hindi ko na need mag-load. What I need is to unload. I need to unload the heavy cargo sa puso ko. Hatred, anger, jealousy etc etc etc....Ay , nakalimutan ko, bago pala ako mag-unli, need kong mag maintain ng kahit piso kahit walang load. Katumbas ng isang piso ay kahit isang ga-butil na buto ng mustasa. Iyon ang faith. Paniniwala sa tagalog.

Tara na, samahan mo akong mag-unli call kay Lord. Walang expiration, Walang hidden charges. Walang text traffic. Libre. Unli.



Thursday, April 19, 2012

Jefferdon

Sa maliit mong katawan,
Na una kong nahaplos,
Tila isang manyikang ubod ng cute.

Ang iyong iyak ay parang love song,
Umaalingawngaw sa aking pandinig,
Hikbi ng pagmamahal at pag-asa
Na sa iyo ay may bukas.

Ang iyong pagdating
Ay isang aliwalas ng aking life.
Binigyan mo ng watercolor ang dark shade nitong kulay.

Sa iyong paglaki,nakita ko ang aking genes


Totoong napakapalad mo ‘at
Ako ay nakamukha mo.

Salamat sa iyo anak,
Sa pagbibigay mo ng pag-asa,
At ako ay mahal ng Diyos
Sa napaka guwapong biyaya.


Marami na akong nahabing mga tula,
Ngunit ang iba’y naiwaglit ko na,
Huwag mag-alala ,
Sapagkat dito naman sa puso ko,
Walang hanggang tula ng pagmamahal,
Ang kayang ibigay ng iyong magandang nanay.

Tuesday, April 17, 2012

Ikaw, Ano ang Kuwento mo?

Naalala ko pa noon bata pa ako, mahilig ako sa mga kuwento. Iyon bang mga kuwentong kapag bata ang nakinig ay aakalaing totoo. Kahit ‘yun pala’y kathang isip lang ng mga nanay at tatay, lolo at lola, mga gumagawa ng kwentong patama sa’yo.

Mga imbento , katulad nang istorya ng isang batang ayaw magpa-kuto. Kinuha ng isang malaki at dambuhalang kuto at inilipad.Dahil yun sa dami ng kuto sa buhok. At ang batang yun ay hindi na ibinalik kailanman ng dambuhalang kuto. Pero naisip ko noon, kinakaya  kaya ng sandamakmak na kuto na ilipad ang isang bata? Payat man o mataba?

Kaya sa takot kong kunin ng dambuhalang kuto noon, nagpapa-suyod na ako sa lola ko. Hiniksik nang hiniksik.Kahit nakakairita na, kinaya at tiniis ko ang lahat ng sakit ng anit ko.

Kwentong maligno ba kanyo? Hay naku, dami ko nang narinig niyan. Sabi nga sa waray, mga “panulay”. Yung mga di nakikitang nilalang na kumukuha ng mga mortal , lalo na ng mga dalagang makursunadahan. Dinadala sa ibang daigdig at ginagawang reyna. Parang sa Encantadia. Naisip at naitanong  ko noon, ano kaya ang kanilang costume?

Hinuha ko kung ipinaganak ka ng dekada sitenta o otsenta, nakarinig ka na ng mga kwentong sa panahon natin ngayon ay di mo na carry pang ikuwento sa mga bata. Jologs at baka pagtawanan ka pa.Pero sa ganito masasalamin ang ating mayamang kultura. Mga kuwentong bahagi na ng ating Panitikan. Ito ay larawan din ng ating pagiging unique kumpara sa ibang lahi.

Favorite ko rin ang mga kwentong bayani. Hindi lang istorya ni Rizal at Bonifacio. Marami pang bayani ang di nagiging popular sa ala-ala ng mga tao. Nariyan si Tamblot. Si Bankaw.Andres Malong. Francisco Maniago at maraming iba pa. Sarap alalahanin at gawing inspirasyon ang kanilang tapang, talino at pagmamahal kay beloved Philippines.

Minsan naman, ayoko ng mga kuwentong totoo. Mga balitang napapanahon. Ayoko ng kwento ng aming kapit-bahay na sa sobrang mahal na ng galunggong ay chicharon na lang ang inulam nila sa hapunan. Ang ibang Pilipino naman ay animo  nag-sa-sarangola sa kalangitan, upang manghuli ng paniki, may mailaman lang sa kumakalam na  tiyan.

Saan at anong kagawaran ba ng pamahalaan nararapat sabihin ang kwentong ito? Dahil hindi ito alamat o kathang-isip lang katulad ng dambuhalang kuto. Hindi ito kasing-liit ng mga kulisap sa parang.

Maganda ang mga kwento. Iinog at iinog ang mundo, at sa bawat pag-inog nito, iba’t ibang kwento ang uusbong.


 Katulad ng isang punum-punong silid –aklatan, ang buhay ay puno rin  ng mga salitang maihahabi sa isang nakakalugod man o hinding kwento.

Ikaw, Ano ang Kwento mo?


Ito po ay aking lahok para sa 'Bagsik ng Panitik " contest ng Damuhan.

Tuesday, January 24, 2012

NO Jaywalking

Prrrrrrrrrrrrrrt… Prttttttttttttt! Tunog po ‘yan ng pito ng isang traffic enforcer. Patungkol sa akin yun hehehe! Akalain ko ba naman na ang tinatawiran ko na pala ay di pedestrian lane dahil nakatuon ang tingin ko sa isang shoe store sa tawid ng kalsada. Ang pedestrian lane ay ilang hakbang pa pala.

OO nga naman, tumawid sa tamang tawiran. Pero wala akong nakitang karatulang ‘bawal tumawid , may namatay na dito”. Sa lugar na ito siguro ay no need na ng ganung nakakatakot na paalala, dahil sa bawat stop light at pedestrian lane ay may nakaabang nang  traffic enforcer na nag ga-guide sa mga tao at sasakyan..In Order. Take note, in order.

Napadpad ang aking mga paa sa Marikina. Isang makulimlim na tanghali ‘yun na never akong naasiwa o napagod maglakad , dahil kapag  nasa Marikina ako, ‘di ako nakakaramdam ng bugnot hehehe!

Hindi ba’t nakakabugnot maglakad sa isang lugar na masikip, matao , traffic at siksikan? Maingay at puno ng basura, vendors , tricycle, pedicab at ilang anik-anik.. samahan pa ng smoke belching at second hand smoke ng yosi kadiri etc etc etc… pero sa Marikina, wala akong nakitang ganun. Usok ng sasakyan  oo ..di maiwasan yun, pero ang nakakalat na vendor, basura etc ay wala. Ang bangketa ay bangketa. Sidewalk, para sa mga tao. Walang nakakalat na upos ng kendi o yosi.

Nakakatuwang makita at malamang may isang siyudad sa Kalakhang Metro Manila (Metropolis) na may ganitong mukha.Sa kabila ng naranasang unos noong bagyong Ondoy, ang Marikina ay isang lugar na hindi nagbago ng  panuntunan pagdating sa kalinisan at kaayusan.

Saludo ako sa mga pamunuan ng Marikina at sa mga mamamayan nito. Ang pagbabago para sa kaayusan ay nagsisimula sa mismong sarili. Disiplina, hindi sa salita kundi sa gawa ang kailangan.

No need nang ikumpara ko ang aking kinalakahang lugar sa Marikina. Marami pa kaming “bigas ng disiplina” na need kainin, na kapag na-digest, lalabas ang nutrients at energy  for a change.

I believe na hindi lang ang mahal kong Maynila ang magtatamasa ng kaayusan in the future, lahat ng City at mga Bayan sa entire Philippines  ay magiging isang maayos at malinis na kanlungan ng mga Pilipinong may disiplina.

Next time, no Jaywalking for me ha?

Sunday, January 15, 2012

Buhay Kuwaresma

Nagbago ang lahat mula nang IKAW ay makilala,
Tuwing kuwaresma’y dapat palang magsaya
Tapos na ang lungkot at nakaka boring na araw
Narito na ang lugod , at tunay na pagsamba.

Hindi ko na kailangang maglakad nang paluhod,
O magpapako sa krus upang Iyong marinig,
Pagsusumamo ng puso , dinig mo ang aking tinig.

Ang iyong paghihirap para sa aking mga sala
Ay Iyo nang tinapos sa burol ng golgota,
Sa Iyong huling hininga’y tunay ngang naganap na
Ang Iyong wagas na pasakit  , di matutumbasan ng kahit ano pa!

Ang dugong natigis sa Krus ng Kalbaryo ay Siyang naghugas ,
Sa madumi kong pagkatao.

Ngayong kuwaresma , ako ay Masaya,
Sapagkat inalala ko ang Iyong kadakilaan, pagmamahal at pasakit,
Hindi ko kailangang malungkot o magmukmok., di maligo o tumayo,
Bagkus aking isasariwa sa Puso,
Ang aking Tunay na Diyos na si Hesus
Walang  kaparis, walang kapantay, Hari ng mga Hari,
Aking tagapag-ligtas at Ama!

Ngayong Kuwaresma ako ay mananalangin ng pasasalamat
Pagpupuri at pagsamba…
Buti na lang ako ay nakakilalang tunay …
Tapos na ang lumang buhay Kuwaresma….



Friday, January 13, 2012

AMAYA


Ngayong gabi natapos ang  epic seryeng Amaya ng GMA 7 Telebabad. ‘Di ko tanda kailan  ito nagsimula at kung ilang buwan ba itong namayagpag bilang isang numero uno at kauna-unahang Epic Serye sa Pilipinas.
Pasintabi po, hindi ako PR ng KAPUSO o reviewer ng mga palabas sa sinehan o telebisyon. Hindi rin ako fan ni Marian Rivera. Ngunit ako ay isang FAN ng isang may kabuluhang palabas (sa wakas) na napanood nationwide.

Nakakatuwa  ang mga gumanap sa bawat role. They gave their bests ‘ika nga. Bukod sa character ni Marian bilang AMAYA, isa sa mga hinangaan ko ang kontrabidang si Lamitan, na ginampanan ni Gina Alajar. Hindi ko hinangaan of course ang kanyang kasamaan, kundi ang kung paano niya isinalarawan ang character ng isang babaing ganid sa kapangyarihan. Maraming sumasalamin niyan sa kasalukuyan.

I love Bagani. Una ayoko sa kanya, dahil akala ko duwag siya. Pero may natatago palang tapang sa kanya. Sa bandang huli ay isinalarawan niya ang isang pinunong isinantabi ang sariling kapakanan at kaligayahan alang-alang sa kanyang bayan o nasasakupan. Sana may mga taong ganyan pa rin sa modern time.
May mga unang bayaning nagbuwis na ng buhay alang-alang sa prinsipyo at pagmamahal sa BANWA. I salute Yoyo Awi, Gurong Asinas, Binayaan at Haraj Lingayan . May ninais na lang na mamatay alang-alang sa katahimikan , pagkakaibigan at pag-ibig katulad ng anak ni Pusaka. May ninais na lang na magtiis ng sakit ng kalooban at nagpakita ng katatagan, katulad ni Marikit .

Napakaganda ng character ni AMAYA. Isang tunay na Gabriela, na nagsasalamin na noon pa man ay malakas na ang mga babae, na may mga babae nang ‘di matatawaran ang husay at galing sa pakikidigma. At higit sa lahat, may mga Pilipino nang atapang atao na di atakbo.

Hindi ko alam kung nakaka-relate ka sa pinagsasabi ko dito, pero sa mga sumubaybay sa AMAYA, alam ninyo ang sinasabi ko. Yeah, natutuwa ako sa AMAYA. Thank you GMA 7 for providing us ng makabuluhang palabas, may aral at punum-puno ng kaalaman .

Hindi pa man ini-uso ang AMAYA, sadyang malalim na akong managalog, na enhance pa ito sa aking panonood ng EPIC Seryeng ito. Nalaman ko na ang BANA ay asawa pala , na siya pa ring salitang ginagamit sa Kabisayaan, BANWA ay bayan, PUOD ay  lugar, Uripon ay alila  at iba pang salitang nawala na sa ating mga labi. Napalitan ng ng text Speak at Jejemon.

Batid kong may mga makabagong AMAYA at BAGANI sa ating panahon. Hindi lang nabibigyan ng pagkakataon, at kung may lumabas mang ‘character’ na katulad nila, ay agad na sinusupil ng mga Datu at Rajah (charot!) .Marami pa ring uripon na kinakanlong ng overseas BANWA(S), marami sa kanila ay hindi man lang makaahon kahit maging TIMAWA.Na kapag bumalik sa ating sariling BANWA ay uripon pa rin ng mga dayuhang mangangalakal.

Hayst! Hindi ko alam kung totoong nabuhay man si AMAYA  sa ating kasaysayan o ito ay isang kathang isip lang, ngunit it touched  my heart. Yes Really.Dahil totoo ang mga ipinakitang buhay ng ating mga sinaunang ninuno bago pa man dumating ang mananakop na Kastila. Ipinakita nito ang katapangan, kabayanihan at pagmamahal sa sariling Bayan. Marami pa marahil ang mga totoong naging bayaning hindi naitala sa kasaysayan.Ang mga naitala man ay lubos kong hinangaan ang kaisugan.

Huwag po sana nating kalimutan ang hirap at pasakit ng ating mga ninunong bayani tulad ng taga –Tondo na si  Lakan Dula, (wish ko lolo ko siya) , at ang pagputol ng mga Espanyol sa ulo ng babaylang taga-Bohol na si Tamblot, Ang maisog na si Bankaw, Ang Waray na si Juan Ponce Sumuroy, Ang Kapampangang si Francisco Maniago, Ang kababayan ng Lolo ko na taga Pangasinan,  na si Andres Malong  at Juan Dela Cruz Palaris, at ang mag-asawang Diego at Gabriela Silang.

Not familiar? Assignment mong balikan ang kasaysayan, bago pa ang buhay ni Rizal at Bonifacio. Sarap ng feelings na may kaunti na akong alam sa ibang bayani. Thank you AMAYA, dahil sa’yo, nagbasa ako ng History. Na –curious ako sa aking sariling pinagmulan.Mayaman pala tayo sa kultura at kasaysayan. May dugo pala akong magiting.

Thank you ulit. Ginising mo ang nahihimbing kong puso, na makabayan pala at punum-puno ng pagmamahal sa aking bayang  sinilangan.

 God Bless the Philippines!



Don’t Give up


“Sometimes I am impatient. Perhaps this is one of my so – called ‘negative” attitudes. I easily get “ upset”  when people I have a meeting with  got late, the project  I am eyeing ,are far to materialize, and some of my desire, wants and needs are too long to feel and see”.

Did you read my introduction? You can feel the emotion of an impatient person.

In my thirty six years on Earth, I’ve been through a lot. I’ve  met different kind of persons, I started to  work at the  young age of 18, I experienced what they called LIFE of being a single person, and when I got married and had a child, my “World” has changed, and I am now living my  life in a different dimension.  
And being the sole responsible and bread winner of my family, there is in me, the fire to make things happen immediately, and if not, I got disappointed. My phrases are ASAP (As soon as possible) without considering the factors. I want to get what I want in my specific time, because I am thinking that delays means NO and if on time means YES… and it leads to quitting. Immature isn’t it?



But Things had changed. In one morning while I am reading the bible, one verse struck my heart, as if God is directly speaking to me. In Genesis 18:14 says; is anything too hard for the Lord? No!

Very true. It only states that GOD is an all knowing God, and God of POSSIBLE! He is a God of surprises but HE only does the POSSIBLES to the faithful.



I remember Sarai, a faithful servant of God who bore a child , even she and her womb is too old to have a baby. I also remember the story of David, Job, Paul, Joseph and many Bible Characters who are really lived on Earth and loved God. .. And they are all has PATIENCE .They don’t gave up.


I’ve learned simple three words: Don’t give up.

And I will never give-up.

If the road of life is too long to drive, I will never STOP.

If morning sun is not shining, I will never quit to see it’s light
.
If it is raining, I will be thankful for the rain water and will wait for the rainbows.

I know that GOD is watching over me, and He want me to live my life patiently. I am very sure that JESUS knows my hurt and hardships. I am not the boss of my life now but JESUS. I will never quit because I will only live in this world temporarily, and there is a best life ahead of me with the Lord.

 I pray that you may be bless how God works in a marvelous way; it is not an accident that you read this, God Bless! 

Wednesday, January 04, 2012

Family Love

Napakahabang panahon na rin , walong taon na hindi nakita at nakasama ang mga dearest and nearest na mga tao sa buhay naming mag-anak.

Masaklap man ang naging dahilan upang kami ay muli nilang makasama at sila ay aming makasama, thankful pa rin 'coz it only proves that God has all the reasons for eveything and anything.

Sabi nga ng ilan, minsan mas nagkakatipon-tipon pa ang magkakamag-anak kapag may namatay. Masaklap at malungkot man, minsan totoo iyon. Doon pa lang natin ma-re-realize ang halaga ng bawat isa kapag tayo ay nabawasan na ng isang mahal sa buhay.

Madalas kong isama sa prayer ang mga salitang ito :" Lord ,always bind us with your love that cannot be broken." not only sa buhay ng aming pamilya , but sa mga kaibigan at iba pang mahal sa buhay.

Families are not perfect. Relationships are not perfect. My love ones are not perfect. Nagkakamali tayo, nakakasakit at nasasaktan, naiinis at nagagalit.

But if you are a child of God, you know God and His words, according to Matthew 5:48:

" But you are to be perfect , even as your Father in heaven is perfect".. then may chance at reason  tayong mag-effort to be a good perfect person for our families.

Let me share you one of the beautiful quote about family na hindi ko pagsasawaang basahin :


"A sentence from Psalm 101 has been both challenging and convicting for me: 'I will walk in my house with blameless heart' (Psalm 101-2, NIV). When God speaks to me about being more loving, this verse reminds me to make application in my family first—and then to others. It forces me to ask, 'Am I more spiritual, more loving, or more fun somewhere else? Who gets my best—my family or others?'"

-- Jean Fleming, A Mother’s Heart



This is a late NewYear Post, I wanted to say more, but I just want to leave it to you guys, what this post all about. Words are not enough to express my gratitude to our Living and All -Knowing God, for giving me such a wonderful family (ies) .

I will continously pray that my family will know and serve the Lord in spirit and in truth.

The curse of the LORD is in the house of the wicked: but He blesseth the habitation of the just. Proverbs 3:33

Happy New Year to all :)
There was an error in this gadget