Posts

Showing posts from 2012

MINSAN MAY ISANG GANID

Minsan may isang ganid , Walang inatupag kundi sarili, Walang pagsidlan ang tuwa, makamtan lamang inaasam. Ano ba ang inaasam niya? Pagmamahal na walang talos? Pagmamahal na pinid ? Pagmamahal na lubos? Isa siyang ganid, Ganid. Minabuti pang masira ang masasayang araw, Sa isang iglap… Naglaho nang tunay, Tunay… tunay na pagmamahal, Tunay na saya at ligaya. Minsan may isang ganid … Magdusa ka isang ganid. Tipahin mo ang kamatayan ng iyong puso…. Umiyak ka man ng dugo.. HINDI na  maibabalik ang mga naglaho….

I WISH I HAD..

Image
I wish I had the courage to tell, The very inside my heart. I wish I had the courage to give, Love that I can freely give. I wish that I am matured enough, To face and resist the devil, I wish I am ENOUGH To live right. I wish I have not forgotten, The seed of good in my heart, I wish I never did, The things that made U hurt. I Wish that I may be an another person, From different dimension. I wish I lived faraway, Not to face the truth, I wish I am a dog, To run fast as I can, when get hurt. I wish I am an eagle, To spread my wings wider, To fly higher... I wish I am a mermaid, to swim all the time, As the water mixed with my tears. I wish that I can turn back the time, When we are happier, I wish I had the heart, To love. To understand. To trust. To deal with. To give. To sacrifice. To touch. I wish I am what I want to be… I wish things will change. I wish...Oh I wish…. I wish everything will change... I wish things remain.

Dual Sim Heartache

Image
Parang dual sim na cellphone ang sakit na nararamdaman ko. Kasing –sakit na parang dinaganan ng adobe ang puso ko, ‘yun bang parang nabibilaukan ako, para bagang may nakabarang something in between my throat and chest. Feeling ko, hindi na dumadaloy ang dugo sa buo kong katawan. Gusto kong manatiling nakahiga na lang. Hindi makaiyak. Hindi makahikbi, nakabara nga eh, stagnant. Maghapon kong hinintay ang tawag niya. Kahit ang text message na may salitang “Kumusta ka na?”Nakakamiss sobra.Pero sa kabilang banda, mainam na rin na hindi ko siya marinig. Hindi ko na siya maramdaman mula sa aking dual sim. Ito ang tama.Ito ang dinidikta ng aking isip.Siya ang pangalawang sim. Mahal ko ba siya? O hype lang? Muli, siya si pangalawang sim. Dual sim na sakit ng feelings. Hindi ko ma explain.Nang dahil sa aking kapalaluan, nawala ang taong mahalaga pala sa akin. Isang taong lubos kong nasaktan dahil sa aking walang kwentang standard. Hinanapan ko siya ng kamalian. Tiningnan ko ang kanyang ...

Superman

Image
Guwapo, matalino. ‘Yan si Superman. Matangkad. Matikas. ‘yan si Superman. Mabait , ‘gentleman, ‘yan si Superman. Lumilipad, nagtatanggol. ‘yan si Superman. Nakakaibig, nakakabighani. ‘yan si Superman. Sa kanyang mga mata kita ko ang lambing, Pagmamahal na walang kahambing, Samyo ng hininga’y animoy “fried chicken”. Sarap lasap-lasapin, parang McDO na uulit-ulitin. ‘Yan si Superman, walang kaparis, Palagiang  aasaming Makita at ibigin.

Ugat

Ugat ng nakaraang pilit winawaksi nitong isipan, Ngunit anuman ang gawin, Pilit pa ring nanunumbalik, Pait ng kahapong nagpatangis. Sakit ng kalooban nang pabayaan, Sa kamay ng mga taong walang pakundangan, Sa batang katawan, batbat na ang hirap, Yayat na katawan pilit inuuunat Kasabay ng pagod na isipa’t  Damdamin, Nagpapatatag  ay pag-asang muling  masilayan, Maynilang sinilangan. Ayaw nang lingunin pangit na naranasan, Paghihirap, pang-aapi ..ni ayaw nang maalala, ni guni-guni. Ngunit salamat sa Poong Maykapal, Sa karanasang tatlong taong walang huntay, Inialis sa lugar na tila may  sumpa’y binigay. Anuman ang gawin, di pa rin maiaalis, Kalahati ng puso ko ay naiwan Sa lugar na inayawan. Kung ako man ay babalik, Di para maghimagsik, Kundi balikan ang katiting na ala-ala, Kakaunting mga taong nagmahal At mga taong nagbigay ng pag-asa at pangaral. Sa mga kakaunting taong iyo’y salamat. Maraming maraming salamat.

Loser Ka Ba?

Image
Being a loser doesn’t only mean na you lose or you are not succeeded sa mga ginagawa mo. Lahat naman di natin keri. We are not perfect. But a loser’s definition para sa akin ay ang mga taong patuloy nilang ini-a-allow ang kaaway ng Diyos na agawin at was akin ang mga magagandang bagay na ipinagkaloob ni Lord sa kanila. Nawawala ang kanilang potential upang maging isang great sa mata ng Diyos. Inisa-isa ko ang ilang palatandaan ng isang pagiging isang loser o talunan. Ito rin ang mga bagay na ginawa kong eksamin sa aking sarili.m Loser ba ako o hindi? Loser ka kung ikaw ay: - May Paulit-ulit na miserable misfortunes. Sabi nga anuman ang mangyari sa life natin o bunga nito, makikita mo kung anong klaseng puno ng pagkatao ka meron - Life na puro trouble and chaos. Puro kaguluhan at away ang alam. Mga taong palagi na lang may masamang balak sa kapwa, kunwaring mabuti pero may bad intentions pala sa kabila ng kabutihan. - May broken relationship sa pa...

Intsik at Pinoy

Image
Dami ko nakakasalamuhang Instsik. Sa workplace lang, dami na. Una, kasi Fil-Chinese ang mga bossing ko, naman kasi’y 90 percent yata (?) ng mga empoyer sa Pilipinas ay Instik. Pangalawa, lumaki ako sa Tundo. Bago pa nauso ang mga dayo sa coastal area ng Maynila, na pawang mga Bisaya, puro intsik na ang mga naninirahan. Karamihan mga kapit-bahay pa namin. Lumaon, napunta na sila sa Binondo. Umalis ng Tundo. Sa trabaho , lalo na sa Industriyang kinabibilangan ko, pawang mga Instik pa rin ang may ‘ say ‘ sa mga decision makings etc… Sila kasi ang mga superiors at mga boss. Hango sa Google Images  Hindi ako galit sa kanila. Gusto ko lang silang isulat. Napapanahon kasi ang kanilang lahi. Lahing gustong umangkin sa ating Scarborough Shoal . Pero sila rin ang lahing hinahangaan ko ng kaunti, dahil sa kanilang kasipagan at determinasyon sa buhay. Hindi lahat ng Instik ay mabait. Hindi rin naman lahat ng Pinoy ay mabait. Kaibahan lang, ang Pinoy ay Pinoy.Sandamukal man ang prob...

Mothers' Day Special

Image
Mother’s day…Sarap namnamin, Isang araw na pagpupuri’t pagpupugay Sa mga dakilang babae ng ating buhay. Maraming taon ding ‘di ko naramdaman, Ang humalik sa inang nagsilang, Walang inang inalayan ng bulaklak na rosas, O isang greeting card ng pasasalamat. Maraming oras din ang nasayang, Ni hindi natikman.. lutong paboritong ulam, Ni hindi ko alam ang pakiramdam, Kung paano ba Hainan ng inang pinanggalingan. Maraming panahon, batbat ng kahungkagan, Maraming beses ding nakatunghay sa kawalan. Maraming gabi na kumot ang nagbibigay yakap, Maraming Mother’s day na walang inang binigyang pugay. Bagamat kabataan ma’y naging kulang, Kalungkutan nama’y napaparam, Batid kong kahit siya’y wala sa aking tabi, Sa puso niya’y ngalan ko ang nakahabi. Una , salamat sa Diyos na lumikha, Sapagkat ako ay KANYANG ipinagkatiwala, Na isilang ng isang babaeng dakila, Aking inang nagbigay buhay Isang inang nagbigay init ng kanyang pagmamahal. Pangalawa, Salamat sa aking Ina, Sa sakripisyong ibinigay m...

lovelyf...

Image
Noon, nakilala kitang super bait. Naalala ko pa noon.. ah basta, nakakatuwang pagkakilala. Nakakatuwa at nakakatawa ang ating naging simula. Isang mahabang biyahe sa jeep na nauwi sa lovelyf. Pero, ang lovely na sinasabi ko, hindi maganda or smooth.Lovelyf na masalimuot. You love me and I love you pero nananaig pa rin ang kunsensya sa puso natin. Dear Readers, don’t get me wrong. Si lovelyf kasi noon ay may gf na,bago pa kami nagkakilala. He is engaged to be married.And I am certified single.Isang engaged man at single woman na nagkatagpo sa iisang wrong timing na sitwasyon. Kausapin ko muna siya sa pamamagitan nito, Dear Readers, let me pour out my heart thru this. Para sa’yo lovelyf, natandaan ko pa noon, sinikap nating maging tayo. Nilihim natin ang lahat dahil ako na rin ang humiling nito. Ayokong masaktan ang babaing dapat mo nang pakasalan. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng lalaki sa Earth, Ikaw pa ang nakilala ko at minahal. Isang lalaking pag-aari na ng iba or I ma...

Mahilig ako sa Unli Call and Text

Palagi na lang bitin ang load. Dangan kasi, panay pa unli. Pa all text. Di pala ako nakakatipid. Nasasayang lang ang Twenty Pesos ko. Sakit pa daliri ko sa kakapindot ng matigas kong keypad. Walang magawa, napadako sa aking sariling blogs na walang tiyak na isusulat. Walang topic na nasa isip. Let this fingers type the words. Utak at puso ko naman ang nagdidikta, kung ano ang titipahin hindi ba? Sa simula't simula pa, ganito na ako. Biglaang tatahimik, mag-iisip ng mga bagay-bagay, sabay haharap sa computer. Habang kaharap si bestfriend PC, naba- blanko... nahihinto... OMG! wala na akong masabi. Wala naman talaga akong sasabihin. Balik tayo sa Unli text. Sarap magtext nang unli, lalo pa kung importanteng tao ang katext mo. 'yun bang special siya sa'yo. Graduate na 'ko 'dyan, di na ko bata. I mean, wala na ko sa stage nang ganyan. Yun bang may kilig factors pa 'ika nga. Importante sa akin ang Unli. Lalo pa kapag malungkot ako at nahihirapan. Nasasaktan. I...

Jefferdon

Sa maliit mong katawan, Na una kong nahaplos, Tila isang manyikang ubod ng cute. Ang iyong iyak ay parang love song, Umaalingawngaw sa aking pandinig, Hikbi ng pagmamahal at pag-asa Na sa iyo ay may bukas. Ang iyong pagdating Ay isang aliwalas ng aking life. Binigyan mo ng watercolor ang dark shade nitong kulay. Sa iyong paglaki,nakita ko ang aking genes Totoong napakapalad mo ‘at Ako ay nakamukha mo. Salamat sa iyo anak, Sa pagbibigay mo ng pag-asa, At ako ay mahal ng Diyos Sa napaka guwapong biyaya. Marami na akong nahabing mga tula, Ngunit ang iba’y naiwaglit ko na, Huwag mag-alala , Sapagkat dito naman sa puso ko, Walang hanggang tula ng pagmamahal, Ang kayang ibigay ng iyong magandang nanay.

Ikaw, Ano ang Kuwento mo?

Naalala ko pa noon bata pa ako, mahilig ako sa mga kuwento. Iyon bang mga kuwentong kapag bata ang nakinig ay aakalaing totoo. Kahit ‘yun pala’y kathang isip lang ng mga nanay at tatay, lolo at lola, mga gumagawa ng kwentong patama sa’yo. Mga imbento , katulad nang istorya ng isang batang ayaw magpa-kuto. Kinuha ng isang malaki at dambuhalang kuto at inilipad.Dahil yun sa dami ng kuto sa buhok. At ang batang yun ay hindi na ibinalik kailanman ng dambuhalang kuto. Pero naisip ko noon, kinakaya  kaya ng sandamakmak na kuto na ilipad ang isang bata? Payat man o mataba? Kaya sa takot kong kunin ng dambuhalang kuto noon, nagpapa-suyod na ako sa lola ko. Hiniksik nang hiniksik.Kahit nakakairita na, kinaya at tiniis ko ang lahat ng sakit ng anit ko. Kwentong maligno ba kanyo? Hay naku, dami ko nang narinig niyan. Sabi nga sa waray, mga “panulay”. Yung mga di nakikitang nilalang na kumukuha ng mga mortal , lalo na ng mga dalagang makursunadahan. Dinadala sa ibang daigdig at ginagawan...

NO Jaywalking

Prrrrrrrrrrrrrrt… Prttttttttttttt! Tunog po ‘yan ng pito ng isang traffic enforcer. Patungkol sa akin yun hehehe! Akalain ko ba naman na ang tinatawiran ko na pala ay di pedestrian lane dahil nakatuon ang tingin ko sa isang shoe store sa tawid ng kalsada. Ang pedestrian lane ay ilang hakbang pa pala. OO nga naman, tumawid sa tamang tawiran. Pero wala akong nakitang karatulang ‘bawal tumawid , may namatay na dito”. Sa lugar na ito siguro ay no need na ng ganung nakakatakot na paalala, dahil sa bawat stop light at pedestrian lane ay may nakaabang nang  traffic enforcer na nag ga-guide sa mga tao at sasakyan..In Order. Take note, in order. Napadpad ang aking mga paa sa Marikina. Isang makulimlim na tanghali ‘yun na never akong naasiwa o napagod maglakad , dahil kapag  nasa Marikina ako, ‘di ako nakakaramdam ng bugnot hehehe! Hindi ba’t nakakabugnot maglakad sa isang lugar na masikip, matao , traffic at siksikan? Maingay at puno ng basura, vendors , tricycle, pedicab at ilang a...

Buhay Kuwaresma

Image
Nagbago ang lahat mula nang IKAW ay makilala, Tuwing kuwaresma’y dapat palang magsaya Tapos na ang lungkot at nakaka boring na araw Narito na ang lugod , at tunay na pagsamba. Hindi ko na kailangang maglakad nang paluhod, O magpapako sa krus upang Iyong marinig, Pagsusumamo ng puso , dinig mo ang aking tinig. Ang iyong paghihirap para sa aking mga sala Ay Iyo nang tinapos sa burol ng golgota, Sa Iyong huling hininga’y tunay ngang naganap na Ang Iyong wagas na pasakit  , di matutumbasan ng kahit ano pa! Ang dugong natigis sa Krus ng Kalbaryo ay Siyang naghugas , Sa madumi kong pagkatao. Ngayong kuwaresma , ako ay Masaya, Sapagkat inalala ko ang Iyong kadakilaan, pagmamahal at pasakit, Hindi ko kailangang malungkot o magmukmok., di maligo o tumayo, Bagkus aking isasariwa sa Puso, Ang aking Tunay na Diyos na si Hesus Walang  kaparis, walang kapantay, Hari ng mga Hari, Aking tagapag-ligtas at Ama! Ngayong Kuwaresma ako ay mananalangin ng pasasalamat Pagpupuri at pagsamba… But...

AMAYA

Image
Ngayong gabi natapos ang  epic seryeng Amaya ng GMA 7 Telebabad. ‘Di ko tanda kailan  ito nagsimula at kung ilang buwan ba itong namayagpag bilang isang numero uno at kauna-unahang Epic Serye sa Pilipinas. Pasintabi po, hindi ako PR ng KAPUSO o reviewer ng mga palabas sa sinehan o telebisyon. Hindi rin ako fan ni Marian Rivera. Ngunit ako ay isang FAN ng isang may kabuluhang palabas (sa wakas) na napanood nationwide. Nakakatuwa  ang mga gumanap sa bawat role. They gave their bests ‘ika nga. Bukod sa character ni Marian bilang AMAYA, isa sa mga hinangaan ko ang kontrabidang si Lamitan, na ginampanan ni Gina Alajar. Hindi ko hinangaan of course ang kanyang kasamaan, kundi ang kung paano niya isinalarawan ang character ng isang babaing ganid sa kapangyarihan. Maraming sumasalamin niyan sa kasalukuyan. I love Bagani. Una ayoko sa kanya, dahil akala ko duwag siya. Pero may natatago palang tapang sa kanya. Sa bandang huli ay isinalarawan niya ang isang pinunong isinantabi an...

Don’t Give up

Image
“Sometimes I am impatient. Perhaps this is one of my so – called ‘negative” attitudes. I easily get “ upset”  when people I have a meeting with  got late, the project  I am eyeing ,are far to materialize, and some of my desire, wants and needs are too long to feel and see”. Did you read my introduction? You can feel the emotion of an impatient person. In my thirty six years on Earth, I’ve been through a lot. I’ve  met different kind of persons, I started to  work at the  young age of 18, I experienced what they called LIFE of being a single person, and when I got married and had a child, my “World” has changed, and I am now living my  life in a different dimension.   And being the sole responsible and bread winner of my family, there is in me, the fire to make things happen immediately, and if not, I got disappointed. My phrases are ASAP (As soon as possible) without considering the factors. I want to get what I want in my specific time, becaus...

Family Love

Image
Napakahabang panahon na rin , walong taon na hindi nakita at nakasama ang mga dearest and nearest na mga tao sa buhay naming mag-anak. Masaklap man ang naging dahilan upang kami ay muli nilang makasama at sila ay aming makasama, thankful pa rin 'coz it only proves that God has all the reasons for eveything and anything. Sabi nga ng ilan, minsan mas nagkakatipon-tipon pa ang magkakamag-anak kapag may namatay. Masaklap at malungkot man, minsan totoo iyon. Doon pa lang natin ma-re-realize ang halaga ng bawat isa kapag tayo ay nabawasan na ng isang mahal sa buhay. Madalas kong isama sa prayer ang mga salitang ito :" Lord ,always bind us with your love that cannot be broken." not only sa buhay ng aming pamilya , but sa mga kaibigan at iba pang mahal sa buhay. Families are not perfect. Relationships are not perfect. My love ones are not perfect. Nagkakamali tayo, nakakasakit at nasasaktan, naiinis at nagagalit. But if you are a child of God, you know God and His words...